Andrea Brillantes at kanyang ate, sinubukang gayahin ang buhay ng isa’t isa na talagang nagbigay kasiyahan sa kanilang mga tagahanga

Isa si Andrea Brillantes o mas kilala bilang Blythe sa mga sikat at sinusundang teen actress sa henerasyong ito. Masasabi mo nga namang rising star si Blythe dahil simula pa man noong bata siya hanggang ngayon na siya ay isang teenager na ay mas lalo pang sumisikat ito.


Credit: Andrea Brillantes on Instagram

Mas sumikat siya noong siya ay bumida sa Kadenang Ginto kasama niya dito sina Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin. Diyan sumikat ang kanilang grupo na “The Gold Squad” na kinabibilangan nilang apat.

Kaya naman, talagang idol na idol ng mga kabataan si Blythe dahil sa kanyang talent at personality.




Credit: Andrea B. Youtube

Sa kanyang latest vlog, makikita ang swapping challenge sa kanyang ate na si Kayla. Mapapanood sa vlog na nagpalit ng buhay si Blythe at Kayla.

Nagpaka ate muna si Blythe na kung saan mapapanood siya na nagpalit ng outfit na kamukha ng kanyang ate. Maagang nagigising daw ang kanyang ate para magsaing at mag prepare ng mga pagkain kaya naman iyan ang ginawa ni Blythe.


Credit: Andrea B. Youtube

Nakakatuwa nga namang makita si Blythe na kung saan pinagsasabihan niya ang kanyang ate since sineseryoso talaga niya ang challenge na ito. In character nga naman talaga si Blythe sa pagpoportray ng kanyang ate.

Samantala, bumawi naman ang kanyang ate nang siya na ang magpoportray kay Blythe. Una na rito ang kanyang paggising na kung saan lagi daw talagang masarap matulog si Blythe.

Paggising pa daw nito ay hihilata pa siya pra tawagan si Seth at magkwentuhan. Laugh trip pa nang gayahin siya ng kanyang ate na nakikipagkwentuhan kay Seth. Tapos nito, ay bababa na ito habang hawak hawak ang kanyang dog.




Credit: Andrea B. Youtube

Pagbaba pa, ay magtitiktok daw ito. Kaya naman, walang choice ang kanyang ate kundi mag Tiktok. Mapapansin din naman sa vlog na dog lover ang pamilya ni Blythe.

Nakakatuwa pa nang pakainin ni Blythe ang kanyang mga alagang aso ay hindi niya alam kung paano sila pipigilan sa pag-aaway.