Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang maayos at masayang pagbabalik sa kanilang simpleng pamumuhay sa Siargao

Isa ang pamilyang Happy Islanders nina Andi Eigenmann sa mga patuloy na sinusubaybayan mula sa kanilang masayang samahan at ang kanilang payapang pamumuhay bilang isang pamilya ay naging daan naman upang sila ay magsilbing inspirasyon hindi lamang sa kanilang mga napapasaya kundi pati na rin sa mga pamilyang sila ang hinahangaan.


Credit: Happy Islanders Youtube

Ang payak at payapang pamumuhay ng pamilyang Islanders na pinangunahan ng aktres at full-time Mom na si Andi Eigenmann, kasintahan nito na si Philmar Alipayo kasama ang kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa ay ating nasubaybayan mula sa kanilang paninirahan sa Siargao hanggang sa kanilang pansamantalang pamamalagi sa Metro Manila nang dumating ang panahon na maisailalim sa quarantine ang buong kamaynilaan.

Matatandaang unang lumipad patungong Maynila sina Andi kasama ang kanilang mga anak at paglipas ng ilang buwan ay siyang pagsunod rin naman ni Philmar sa kanila.


Credit: Andi Eigenmann on Instagram

At sa kabila ng kanilang pagtitiis at pagtitiyaga na manatili sa kanilang bahay sa Manila, ay sa wakas sa halos ilang buwan na pagka-miss ng pamumuhay sa island ay isa na muling Happy Islanders ang kanilang pamilya ng sila ay muli ng nakabalik sa isla ng Siargao.

Ang masayang pagbabalik sa Siargao ay kanilang inanunsyo sa kanilang panibagong vlog na mapapanood sa kanilang YouTube channel ang ‘Happy Islanders’, at mula dito ay makikita ang kanilang naging byahe pauwi hanggang sa kanilang ligtas na pagdating sa isla.




Credit: Happy Islanders Youtube

Upang makauwi sa isla ay sumakay sila ng eroplano patungong Siargao habang suot-suot ang kanilang protective coat at face shield at face mask upang manatiling ligtas pa din sa kanilang byahe.


Credit: Happy Islanders Youtube

At makalipas ng ilang oras ay sa wakas ang pamilyang Islanders ay naka-uwi na sa isla at mababakas sa kanilang mga mukha ang labis na excitement at kasiyahan na muling masilayan ang ganda at sariwang hangin na hatid ng isla ng Siargao.

Pagkadating sa kanilang temporary place ay kanilang binisita naman ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak sa Isla at hindi na pinalagpas pa ang pagkakataong i-enjoy ang ganda ng dagat at maka-bonding ang kanilang mga kaibigan.




Credit: Happy Islanders Youtube

Bukod pa dito ay pinasilip din ni Andi ang kaniyang on-going project na siyang makikita ang paggawa nito ng kanilang magiging cabinet.

Bago matapos ang araw ay isang masayang salu-salo ang kanilang pinagsaluhan kasama ang mga taong espesyal at bahagi ng kanilang masayang pamilya.