Anak ni Assunta De Rossi na si Fiore, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang napakagandang mga ngiti habang kinakausap

Ang kaniyang mala anghel na mukha at ngiting nakakahawa ay isa lang naman sa kaniyang mga katangian na siyang minahal ng karamihan, magmula pa lamang sa kaniyang inosenteng kilos at galaw na patuloy na sinusubaybayan ngayon ng publiko.


Credit: Sammy Whammy on Instagram

Tila’y iba nga talaga ang hatid na saya na naibibigay ng napaka-cute at charming na si Baby Fiore sa kaniyang mga tagahanga, kahit na siya ay sanggol pa lamang ay hindi maitatanggi ang labis na pagmamahal na ibinibigay ng kaniyang mga magulang na sina Assunta De Rossi at Jules Ledesma.

Tila’y ang pagdating ni Baby Fiore ang siyang naghatid ng panibagong pag-asa at kasiyahan sa kaniyang mga magulang, lalo na sa mga taong kaniyang napapangiti.




Credit: @ermatsko on Instagram

Kaya naman ngayon ay ating alamin ano nga ba ang masayang bonding moments ngayon nina Assunta kasama ang kaniyang anak.

Magmula pa lamang sa mga larawan at videos ni Baby Fiore ay hindi maitatangging na sa kaniyang munting ngiti pa lamang ay marami na ang kaniyang napapasaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


Kasama na nga dito ang kaniyang Mommy Assunta na kung saan ay makikita sa video na habang siya ay karga-karga ng kaniyang ina ay kapansin-pansin din ang munting pagtingin nito sa kamera habang may kasamang matamis na ngiti sa sa kaniyang labi.


Credit: @ermatsko on Instagram

Tila’y isang masayang kwentuhan ang siyang naganap sa pagitan nilang mag-ina kaya naman hindi maitago ni Baby Fiore ang kaniyang kasiyahan habang kausap ang kaniyang Mommy Assunta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by madame de rossi (@ermatsko)


Ang munting reaksyon na ito ni Baby Fiore ay naghatid naman ng kasiyahan hindi lamang kay Assunta kundi pati na rin sa kanilang mga tagahanga.

“She’s so beautiful and precious. Hawig kay Alex 😍”

“Hay Fiore, lalo ako na-excite na lumabas baby ko. Ang ganda ganda mo. ♥️”


Credit: @ermatsko on Instagram

“Grabe ka Fiore your sooo cute, kahit anong commercial pang baby pwede ka. Cuteness overload 😍😍😍”

“Ay sus ang ganda naman ng baby Fiore 😍😘😘😘 kakag!gil na po sya.”




Credit: @ermatsko on Instagram

Isinilang ni Assunta ang kaniyang miracle baby na si Baby Fiore noong Oktubre ng nakaraang taon.