Anne Curtis, ipinasilip ang naging pagdiriwang ng ika-1st birthday ng kanyang anak na si Dahlia Amelie

Parang kailan lang nang maisilang ni Anne Curtis ang first baby nila ni Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelie.

Nakasubaybay nga naman ang marami nyang tagahanga noon. Lalo na at pumunta ng Australia si Anne para maisilang si baby. Naging matagumpay naman ang pregnancy at panganganak niya dahil isang healthy baby si Baby Dahlia.


Credit: Anne Curtis on Instagram

Simula noon, halos ang laman ng mga social media posts ni Anne at Erwan ay umiikot na sa kanilang baby na talaga namang apple of the eye ng lahat.

Matatandaan din ang mga bawat buwan na mga IG posts nila. Makikita sa mga posts nila ang mga monthly birthday celebration ni Dahlia. Lagi nga namang makikita dito ang mga bulaklak na naka korteng numero kung ilang buwan na si baby Dahlia.




At ngayong March 2, opisyal na ngang ipinagdiwang ang unang taong kaarawan ni Dahlia. Nagcelebrate sila ng 1st birthday ni Baby Dahlia at kalakip nito ay ang birthday greeting ni Anne sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“She owns every little bit my heart. Happy 1st Birthday to my Dahlia Amélie. I love her to the moon and back infinity times 🤍,” saad ni Anne.

Nagiwan din si Anne ng isang quote mula kay Robert Munsch. “And to quote one of my favourite books by Robert Munsch that I love to read to her with so much feelings – “I’ll love you forever, I’ll like you for always, As long as I’m living, my baby you’ll be” 😭


Credit: Anne Curtis on Instagram

P.S – I promise to buy her clips for her bangs!!! 😂 Not ready to cut it yet! 😋,” dagdag pa ni Anne.

Napakabilis nga naman ng panahon. Totoo talaga ang sinasabi nila na hindi mo nga naman mapipigilan ang oras.




Credit: Anne Curtis on Instagram

Samantala, sigurado namang na-eenjoy nila Anne at kanyang pamilya ang kanilang pananatili dito sa Pilipinas lalo na at unang pagkakataon lang ni baby Dahlia na makarating dito sa bansa.