Kristine Hermosa, ipinakita kung gaano kalambing at mapagmahal ang asawa nyang si Oyo Boy Sotto sa kanilang pamilya

Ang aktor na si Oyo Boy Sotto ay isa sa mga hinangaan ng karamihan dahil sa kaniyang galing at husay pagdating sa pag-arte, na naging daan upang ang kaniyang pangalan ay maging tanyag sa showbiz industry mula noon hanggang ngayon.


Credit: @khsotto on Instagram

Ang kaniyang kasipagan at pagsusumikap na magampanan ang bawat proyekto na ibinibigay sa kaniya ay nagsilbi din inspirasyon sa mga taong nangarap na tahakin ang landas na kaniyang nilakbay sa pagiging isang artista.

At bukod sa pagiging isang mahusay na aktor, siya din ay isang mapagmahal na asawa sa kaniyang kapareha na isa ring mahusay na aktres na si Kristine Hermosa, at butihing ama sa kanilang mga anak.




Credit: @osotto on Instagram

Ang tapat at tunay na pagmamahal ni Oyo para kay Kristine ay hindi lingid sa kaalaman ng iba, kaya naman sa tagal ng kanilang pagsasama bilang isang mag-asawa ang lahat ay kinikilig at naka-abang sa kanilang mga sweet pictures sa social media.

Kaya naman kung tatanungin ang kanilang naging paghahanda noong Valentine’s Day, hindi rin naman magpapahuli si Oyo at isang munting regalo ang kaniyang ibinigay para kay Kristine.


Credit: @khsotto on Instagram

Sa larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram ay makikita ang mga regalong bulaklak ni Oyo sa kaniyang asawa, pati na rin sa kanilang anak na babae na si Ondrea at ang kapatid rin ni Kristine na si Kathleen ay nakatanggap din ng bulaklak.

Ang munting regalo na ito ni Oyo para sa kanila ay labis naman na ikinatuwa ni Kristine at nagbigay din ng isang taos pusong mensahe para sa kaniyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


“My forever 🙏🏻❤️ I thank the Lord for you every single day. @osotto Thank you for leading us and showing your love for all of us in your own unique way. 😘 I LOVE YOU.”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Ikinasal sina Kristine at Oyo noong January taong 2011 at inaasahan nila ang pagdating ng kanilang ikalimang anak ngayong taon.