Andrea Brillantes, agaw pansin sa kanyang napakagandang larawan bilang paghahanda sa kanyang nalalapit na kaarawan

Sikat na sikat nga naman si Andrea Brillantes o mas kilala bilang “Blythe” sa kanyang tunay na pangalan. Mas nakilala si Andrea sa kanyang naging teleserye na “Kadenang Ginto” kasama sina Francine, Kyle at Seth.

Bagamat nagkaroon na ng mga programa si Andrea bago ito, pero mas naging matunog at nagingay ang kanyang pangalan dahil sa kanyang napakagaling na pagganap dito.


Credit: Andrea Brillantes on Instagram

At sa paparating na March, ay ipagdiriwang na ang kanyang kaarawan. Magdiriwang si Andrea ng kanyang 18th birthday sa March 12.

Alam naman natin na malaking pagdiriwang kapag 18th birthday ng isang dalaga. Sabi nga nila, ito daw ang kanilang “debut” na kung saan transition ito sa kanilang pagdadalaga.

Ang iba’y may kanya-kanyang mga programa sa pagdiriwang. Mayroon pa nga silang mga ceremony gaya ng 18 roses, candles at kung ano ano pa. Kaya naman, siguradong kaabang abang ang magiging kaarawan ni Andrea para sa kanyang 18th birthday.




Credit: Andrea Brillantes on Instagram

Makikita sa kanyang IG ang kanyang larawan bilang countdown sa kanyang nalalapit na kaarawan. Ngayon pa nga lamang ay talaga namang pinaghahandaan na ni Andrea ito.

Pisces naman ang horoscope ni Andrea na kanyang ibinahagi sa kanyang IG caption. Makikita sa IG picture na ito na talaga namang napakaganda ni Andrea at bagay na bagay pa sa kanya ang kanyang kasuotan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Ngayon pa nga lamang ay nagsisimula na ang countdown ni Andrea para dito.

“💟♓️ PISCES SEASON ♓️💟 Countdown for my 18th birthday begins: N O W,” saad ni Andrea sa kanyang IG.

Sa likod ng napakagandang larawan ni Andrea ay napakaraming mga tao na tumulong para sa napakagandang larawan na ito ni Andrea:

“Photos by @charismalico Shot at @shutterspacestudios Set Design @arendale Styled by @eldzsmejia Makeup by @marbentalanay Hair by @markfamilara Outfit by @michaelleyva,” iyan naman ang mga pangalan ng lahat ng mga tumulong kay Andrea sa larawan na ito.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Dahil dito ay talagang nakasubaybay ang kanyang mga tagahanga sa kanyang ginagawang countdown at sa magiging mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.