Jinkee Pacquiao, agaw pansin ang kagandahan sa naging pictorial para sa isang beauty and wellness company

Ang kaniyang angking kagandahan ay talaga namang nakakahumaling, kahit na siya ay isa ng ganap na ina sa kaniyang limang anak ay hindi maitatanggi na ang kaniyang kagandahan ay hindi kumukupas.

Kaya naman hindi kataka-taka na ang World Boxing Champion at kasalukuyang Senador ng Pilipinas na si Manny Pacquiao ay nahumaling at kaniyang napa-ibig sa kaniyang kagandahan.


Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Bukod sa pagiging isang butihing asawa at ina ni Jinkee Pacquiao ay siya din ay nakilala dahil sa kaniyang pagmamahal sa mga halaman kaya naman siya ay hinirang ng karamihan bilang isa sa mga “Plantita Queen” ngayon.




Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Ngunit bukod sa pagiging isang reyna ng kanilang pamilya at ng kaniyang mga halaman, siya naman ay hinangaan sa kaniyang husay at galing pagdating sa pagiging isang modelo at endorser ng mga kilalang kumpanya at produkto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Tila’y hindi lamang si Sen. Manny ang nabighani sa kaniyang ganda kundi pati na rin ang ilang mga kumpanya ay siya ang kinuha upang kanilang maging modelo.

At sa pagkakataong ito ay hindi lamang siya basta modelo, kundi siya ay isang business partner ng isang produkto dahil ang Jinkee Cosmetics na pagmamay-ari mismo ni Jinkee at ang Vibrant Wellness ay nagkaroon ng collaboration, na siyang naging daan upang mas dumami pa ang oportunidad na dumarating sa kaniya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


“Empowered women, empower women. Blessed to collaborate with female-led companies who advocate women empowerment amidst the pandemic. Thank you @cor24 and @vibrantwellnesscorp for sharing the same vision.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by erlin olan (@erlinolan)


At sa collaboration nilang ito ay ibinahagi naman niya ang kanilang ginawang paghahanda magmula sa kanilang pictorials hanggang sa mga behind the scenes na siyang kailangan para sa ilalabas nilang commercial bilang siya ang panibagong ambassadress ng Vibrant Wellness.

Dahil dito hindi maitago ni Jinkee ang kaniyang labis na kasiyahan na makasama ang mga taong tulad niya, na nasa parehas at iisang landas na tinatahak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


“It was a long day yesterday but I never felt tired because I was happy and thrilled to be in the right team who made our shoot yesterday very memorable!

Thanks to my business partner @cor24 and to my Vibrant Wellness family.




Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

To our stylist @iamolisara , makeup artists @onlypaulunating , hairstylist @dan_forro as well as everyone whose collective effort united our passion into one great project I can’t wait to share with all of you soon.

The best is yet to come! God is good! ✨🤍”