Alex Gonzaga, binisita si Mayor Vico Sotto sa unang pagkakataon at ipinakita ang mga naging magandang proyekto at pagbabago sa lungsod ng Pasig

Sa kaniyang taglay na pagiging kwela at palabiro sa mga taong nakakasalamuha, hindi kataka-taka pati ang mga netizen ay aliw na aliw din sa kaniyang kakulitan at pagiging natural pagdating sa maraming bagay.

Kaya naman ang mga taong kaniyang nakakasalamuha, mapa trabaho o kahit sa kaniyang vlog ay hindi maaaring hindi sumak!t ang mga tiyan sa kakatawa.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Dahil dito ay hindi naman pinalagpas ng aktres at TV host na si Alex Gonzaga, na makapanayam ang isa sa mga mahuhusay at mapagkakatiwalaan na public servant, ang kasalukuyang Mayor ng Pasig na walang iba kundi si Mayor Vico Sotto.

Nagsimulang manungkulan si Mayor Vico sa Pasig noong Hunyo 30 taong 2019, at mula doon ay ito na rin ang siyang naging simula ng pagbabagong naganap sa lungsod ng Pasig dahil sa kaniya.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Sa pagbisita ni Alex ay inilibot ni Mayor Vico sa Pasig City Hall ang aktres at ipinakita ang kanilang mga ginagawa sa kanilang trabaho.

Kahit araw ng Sabado ay hindi pinalampas ni Mayor Vico at pinili pa ring magtrabaho kasama ang ilan sa mga empleyado, upang matapos at magawa ng maayos ang kanilang mga trabaho.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Nang tanungin ni Alex si Mayor Vico kung ano ang nag udyok sa kaniya upang pasukin ang ganitong klaseng trabaho, ay matapat naman niyang sinagot ang katanungan ng aktres.

“Ito yung nakita kong opportunity na magpakilala ng mga pagbabago sa lungsod natin.”

Patuloy man ang pandemya ay hindi pa rin dito natatapos ang pagtulong nina Mayor Vico sa mga taga Pasig at isa sa mga programang kanilang ginagawa ngayon ay ang “Tapat Program”, na kung saan ang pangunahing layunin nito ay makatulong at makapagbigay ayudang pang puhunan para sa mga taga Pasig sa pamamagitan ng pagbibigay ng small o micro loans sa kanila.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Ayon kay Mayor Vico, bata pa lamang siya noon ay gusto niya na umanong magtrabaho sa gobyerno.

“Ever since bata ako, gusto ko na magtrabaho sa gobyerno.”

Bahagi ng kaniyang pagiging isang public servant ay hindi pa rin maiiwasan na may mga tao pa din ang hindi pabor o may negatibong komento sa kaniya, kaya naman pagdating sa mga pumupuna sa kanya ay hindi naman niya itinatanggi na paminsan ay sinasagot nya ang mga ito, ngunit ang mahalaga para sa kaniya ay marinig at maintindihan ang kanilang mga kumento sa maraming bagay.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

“Paminsan, pero syempre dapat hindi ka masyado maapektuhan. Pero sa isang banda naniniwala ako dapat basta public servant tinitignan ko din yung feedback.”

Bago matapos ang kanilang masayang kwentuhan ay isang munting regalo ang ipinaabot ni Alex kay Mayor Vico, na kung saan ay nagbigay siya ng mga tablets para sa mga estudyante ng Pasig sa tulong mismo ng Jag.