Pokwang, ibinahagi ang pagiging mahilig ni Malia sa pagkain ng masustansiyang gulay tulad na lamang ng malunggay

Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay isa sa mga mahahalagang bagay na hindi dapat makalimutan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng sino man, lalo na ngayon na kinakailangan ng ating katawan ang sustansya at bitaminang nakukuha mula dito upang patuloy na maging ligtas ang bawat isa lalo na ngayong panahon ng pandemic.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Ang tamang pagkain ng mga gulay at prutas ay ang siyang dapat na matutunan ng bawat isa lalo na ang mga batang nasa murang edad pa lamang.

Kaya ang bibo at napaka-cute na si Malia O’Brian ay isa sa mga batang nagpatunay na ang pagkain ng masustansyang pagkain tulad ng gulay, ay mahalaga sa katawan upang mapanatili ang pagiging l!gtas at pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

Hinangaan ng publiko si Malia dahil sa kaniyang angking galing at katalinuhan na makisabay sa bawat kwentuhan at tanungan, kasama ang kaniyang mommy na isang mahusay na aktres, TV host at komedyante na si Pokwang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Bukod pa diyan ay mas lalo ding kinagigiliwan ng mga netizen ang bibong personality ni Malia sa tuwing siya ay masisilayan ng publiko sa kaniyang “me time” lalo na sa paglalaro, pagkanta at pagsayaw habang ginagaya ang kanyang paboritong Korean girl group.

At mula sa mga ito ay ano nga ba ang siyang sikreto ni Malia upang mapanatiling masigla at malusog ang kaniyang pangangatawan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Ito nga ay walang iba kundi ang pagkain niya palagi ng masustansyang pagkain tulad ng gulay.

Sa video na ibinahagi ng kaniyang mommy Pokwang ay makikitang magiliw na kumakain ng sinabawang malunggay si Malia, habang nanunuod.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


“Hello @propantlc look sarap nya kumain ng malunggay hahahaahaha please tag nyo ako mga mommies sa videos ng mga anak nyo na kagaya ni @malia_obrian mahilig din sa gulay goowww….. ito ang tunay walang etchoz hahahhaa.”

Kapansin-pansin na walang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha sa tuwing siya ay kumakain at tila’y gustong-gusto pa nito ang inihandang pagkain sa kanya.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

Patunay lamang nito na sa murang edad pa lamang ni Malia ay sinasanay na ni Pokwang ang kaniyang anak sa pagkain ng masustansyang pagkain tulad na lamang ng mga gulay at prutas.

Kaya kung hangad mo ding magkaroon ng masigla at malusog na pangangatawan, ang pagkain ng prutas at gulay ang siyang nararapat.