Baeby Baste, bigla nalang naiyak dahil sa sobrang pagka-miss sa mga katrabaho lalo na kay bossing Vic Sotto

Sa kaniyang angking kagwapuhan at taglay na cuteness, tiyak na ang sino man kapag siya ang nasilayan ay mahuhumaling at kikiligin kahit sa kaniyang murang edad pa lamang.

Si Sebastian Benedict o mas kilala bilang si Baste ay isa sa mga batang aktor at TV host ng noontime variety show na Eat Bulaga, at mula sa kaniyang murang edad pa lamang ay nakitaan na sya ng husay at galing pagdating sa kaniyang trabaho.




Credit: @iambaebybaste on Instagram

Kaya naman nang mag-viral ang kaniyang video noon ay dito na rin nagsimulang mas makilala ng publiko si Baste, na naging daan upang marating ang ganitong klaseng buhay ngayon.

At ng maging bahagi na ng Eat Bulaga, ay dito naman din mas napalapit ang loob ni Baste hindi lamang sa mga dabarkads kundi pati na rin sa kaniyang mga kasama sa trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baste (@iambaebybaste)


Isa sa mga magpapatunay nga nito ay ang naging emosyonal na reaksyon ni Baste matapos ang naganap nilang video call ni Bossing Vic Sotto kasama ang anak nitong si Tali at asawa na si Pauleen Luna-Sotto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baste (@iambaebybaste)


Sa kanilang naging pag-uusap sa video call ay ibinahagi ni Baste sa kaniyang Instagram account ang ilan sa kanilang mga larawan, na kung saan ay hindi maitatanggi ang mga ngiti sa kanilang mga labi dahil sa matagal na panahong hindi nagkasama sa trabaho dulot ng pandemya ngayon.

Kapansin-pansin rin na hindi lamang si Vic ang nakausap ni Baste kundi pati si Tali at Pauleen ay naki kamusta din sa batang aktor.


Credit: @iambaebybaste on Instagram

At matapos nga ng kanilang naging kamustahan at pag-uusap sa video call ay makikita naman ang video ni Baste at ang naging emosyonal na reaksyon nito habang umiiyak at sinabing,

“Bossing, we miss you.”




Credit: @iambaebybaste on Instagram

Tila’y hindi na nga napigilan ni Baste ang pagka miss sa kaniyang trabaho, lalo na ang mga kasama nyang ibang TV host din.

“Yung naiyak ka dahil na miss mo sila ng sobra lalo po si Bossing😭😭😭 @pauleenlunasotto ❤️❤️❤️”