Angel Locsin, masayang ipinagdiwang sa kanilang bahay ang ika-94 taong kaarawan ng kanyang daddy Angelo

Ang aktres na si Angel Locsin ay isa sa mga patuloy na hinahangaan mula noon hanggang ngayon dahil sa kaniyang angking husay at galing sa pag-arte, na kahit ang manonood ay mapapa-arte din.


Credit: @therealangellocsin on Instagram

Bukod pa diyan ay nagsilbi ding inspirasyon ang aktres sa ating mga kababayan dahil tunay ngang hindi lamang pang teleserye at pelikula ang kabutihan ng kaniyang puso, dahil pati sa totoong buhay ay tinagurian siyang real life Darna mula sa kaniyang walang sawang pagtulong at suporta sa ating mga kababayan.

Ngunit maliban sa pagiging isang artista at mabuting mamamayan, si Angel ay isa din namang mapagmahal na anak sa kaniyang ama.




Credit: @therealangellocsin on Instagram

Noong Pebrero 17 ay masayang sinalubong ng aktres ang naging kaarawan ng kaniyang Daddy na si Angelo Colmenares kahit nasa bahay lamang.

Ngayon na ipinagdiriwang nila ang ika-94 years ng kaniyang Daddy Angelo, mas minabuti na lamang nila na i-celebrate ito sa bahay upang maging ligtas ang bawat isa mula sa nararanasang pandemya.


Credit: @therealangellocsin on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Angel sa kaniyang Instagram ay makikita ang kanilang naging simple ngunit makabuluhang celebration na ito para sa kaniyang Daddy.


At dahil sa bahay ang kanilang naging venue ngayon, ay nag-order sila Angel ng mga pagkain tulad na lamang ng empanada, chicken at liempo na nagmula mismo sa isang restaurant na kaniyang ine-endorse ngayon.

Tila’y ang handang empanada ay ang siyang labis na nagustuhan ni Daddy Angelo at ayon pa sa aktres ay pwede na rin daw ito maging isang endorser tulad nya.


Credit: @therealangellocsin on Instagram

“Celebrating our dad’s 94th birthday at home ❤️ saved by @iammanginasal’s party pack dahil bawal lumabas si daddy☺️ sarap daw ng chicken empanada. Pwede na syang endorser😄 Try nyo rin yung liempo👌🏻”




Credit: @therealangellocsin on Instagram

Busy man sa kaliwa’t kanan na trabaho, sinigurado ni Angel na hindi sya mawawalan ng oras para sa kaniyang pamilya lalo na sa espesyal na araw na ito ng kaarawan ng kaniyang Daddy Angelo.