Coleen Garcia at Billy Crawford, nagkaroon ng masayang family bonding sa Palawan kasama ang kanilang napakacute na baby na si Amari

Maliban sa mga magkasintahan, pamilya at magkaibigan na nagdiwang ng kanilang Valentine’s Day sa mga mall, amusement park, o di naman kaya sa kanilang mga bahay, ay mayroon din namang ipinagdiwang ang espesyal na araw na ito sa beach upang magbakasyon at salubungin ang araw ng mga puso.

Isa sa mga ito ay ang lovely couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na masayang ipinagdiwang ang Valentine’s Day sa beach, kasama ang kanilang napaka-cute na anak na si Baby Amari.


Credit: @coleen on Instagram

Sa larawang makikita sa Instagram ni Coleen ay kaniyang ibinahagi ang kanilang masayang family bonding sa El Nido, Palawan, na siyang isa sa mga best tourist spot dito sa Pilipinas.

At ang kanilang masayang bakasyon na ito ay tila’y mas naging exciting pa ito lalo na at hindi lamang pagre-relax at pag-e-enjoy ang kanilang ginawa, kundi pati ang kanilang workout ay naisingit din sa kanilang munting bakasyon na ito.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Isa sa mga larawang ito ay makikitang nakasakay sa bangka sina Coleen at Billy habang suot-suot ang kanilang swimsuit attire, habang may hawak din na sagwan sa kanilang mga kamay.

At sa caption ni Coleen sa nasabing larawan ay makikitang gumawa siya umano ng paraan upang mapilit si Billy na mag-exercise.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)

Matapos ang kanilang workout ay hindi naman dito natatapos ang kanilang munting selebrasyon, dahil isang bouquet ng white roses ang siyang ibinigay naman ni Billy para sa kaniyang asawa na si Coleen.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Ang makasama si Billy at ang kanilang anak na si Baby Amari ay isa sa mga nagbigay kasiyahan at mas naging espesyal ang araw na ito para kay Coleen.

Ang pagdiriwang ng buwan ng mga puso ay hindi basehan ang ganda ng lugar upang ito ay maging espesyal, dahil ang tunay na pagmamahal at masayang samahan kasama ang iyong pamilya, kasintahan o kaibigan ay sapat na upang ito ay maging isang magandang ala-ala.