Barbie Imperial, sobrang ramdam ang pagmamahal sa kanya ng kanyang kasintahang si Diego Loyzaga

Mula sa katatapos lamang na Valentine’s day, panigurado na ang karamihan ay nasa cloud 9 pa ang kanilang mga pakiramdam at tila’y nag-uumapaw sa pagmamahal at paulit-ulit na kinakabisado ang masasayang kaganapan na nangyari sa espesyal na araw na ito ng kanilang buhay.


Credit: @msbarbieimperial on Instagram

At kung sa iyong tingin ay hanggang dito na nagtatapos ang Valentine’s Day, tila’y hindi naman magpapahuli ang aktor na si Diego Loyzaga at may pahabol na sorpresa ngayong buwan ng mga puso sa kaniyang kasintahan na isang ring mahusay na aktres na si Barbie Imperial.




Matatandaang naging usap-usapan sa social media noon ang kanilang relasyon at ngayong taon ay kanila na ngang isinapubliko ang kanilang matamis na pagmamahalan at inamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon bilang isang ganap ng magkasintahan.

Matapos nito ay labis naman ang ipinakitang suporta ng kanilang pamilya at mga tagahanga para sa kanilang relasyon na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)


At ngayon ngang nagdaang Valentine’s Day ay hindi naman nagpahuli si Diego at nagbigay ulit ng panibagong sorpresa para sa kaniyang prinsesa na si Barbie, na kahit busy man sa trabaho ay nakagawa pa din sya ng paraan upang sorpresahin ito.


Credit: @msbarbieimperial on Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ni Barbie sa kaniyang Instagram ay makikita ang napakagandang sorpresa ni Diego para sa kaniya, na kung saan ay nagmistulang naging Valentine’s theme ang kwarto ng aktres.

Makikita sa mga larawan ang mga nakasabit na pulang bulaklak na siyang nagmistulang mga garlands at kasabay nito ang mga Christmas lights na nagpadagdag sa ganda ng mga ito.


Ngunit hindi lamang ceiling ang may disenyo kundi pati na rin ang sahig ay pinalibutan din ng mga pulang bulaklak at mga candles na nagbigay ng romantic at intimate feels sa bawat sulok ng kaniyang kwarto.

At hindi pa dyan nagtatapos ang sorpresang ito ni Diego para kay Barbie dahil mayroon ding bouquet ng Roses flowers at isang love letter na may nakalagay pa na “My Princess”.


Credit: @msbarbieimperial on Instagram

Sa napakagandang sopresa na ito ni Diego ay hindi napigilan ni Barbie ang kaniyang labis na kasiyahan sa sorpresang kaniyang natanggap mula sa kasintahan.




Credit: @msbarbieimperial on Instagram

“Diego 😭 thank you for your endless efforts. You were still able to do this kahit hindi tayo magkasama cuz you have work. Grabe ka you always find a way to make me happy. Thank you for always making me happy and feel loved. Any day feels like valentine’s day with you. I miss you already, thank you love @diegoloyzaga ♥️”