Kiray Celis, umani ng paghanga dahil sa kanyang ipinakitang pagmamahal sa kanyang mga magulang

Sa katatapos lamang ng Valentine’s Day, ang karamihan ngayon ay masaya ang kanilang gabi at punong-puno ng pagmamahal at pag-iibigan kasama ang kanilang mga kasintahan, samantalang ang iba naman ay in-enjoy din ang espesyal na araw na ito ng mga puso upang mag-celebrate mag-isa kasama ang kanilang mga kaibigan.

Ngunit dahil ngayon nga ay Feb ibig, hindi lang ito para sa mga magkasintahan at magkaibigan, kundi ito rin ay para sa mga pamilya.


Credit: Kiray Celis on Instagram

Kaya naman ating alamin ang kwentong Feb ibig ng aktres na si Kiray Celis, matapos mag-viral sa social media ang larawan ng kaniyang mga magulang.

In-love man ngayon si Kiray, hindi naman nakalimutan nito na batiin ang kaniyang mga magulang at bigyan ng regalo ang mga ito noong Valentine’s Day.




Credit: Kiray Celis on Instagram

Makikita sa larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram, ang masayang ngiti na siyang makikita sa mukha ng mga magulang ni Kiray habang hawak-hawak nila ang isang bouquet ng tag iisang daan na pera.

Hindi lamang bulaklak ang siyang iyong maaaring matanggap dahil tulad ng natanggap ng mga magulang ni Kiray ay pwede din ang mga pera.


Credit: Kiray Celis on Instagram

Bukod pa rito, kahit di pa man din Valentine’s Day ay talagang makikita na rin kung gaano naging mapagmahal at mapagbigay si Kiray sa kanyang mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Labis ang naging pasasalamat ni Kiray sa kaniyang mga magulang, mula sa kanilang walang tigil na suporta at pagmamahal na ibinibigay nila sa kaniya.

Kaya ang araw na ito ng mga puso ay mas lalo pang naging espesyal dahil sa ginawang pag-aalala at taos-pusong mensahe ni Kiray para sa kanila.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


“Happy happy valentines day, Mama and papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo. Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pagiintindi sakin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k nayan lahat. Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko. HAHAHAHAHAHAHAHA! Maraming salamat @thinkingoutloveflower sa pag gawa ng MONEY BOUQUET nila mama! 😍❤️”

Kaya naman ikaw, ano ang kwentong Feb ibig mo sa natapos na Valentine’s Day?