Andrea Brillantes, naghanda ng kakaibang surpresa para sa kaarawan ng kanyang mommy na talagang ikinagulat nito

Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang kahinaan at kinakatakutan na labis na nagbibigay ng lungk0t at tak0t kapag ito ay nakita at nangyari sa ating buhay.

Tak0t mula sa materyal na bagay o di naman kaya ay mga pangyayaring ayaw ng balikan, ngunit mayroon din naman na ang iba ay tak0t din sa mga hayop na tila’y nakapagbibigay ng kilabot sa kanilang katawan kapag ito ay mahawakan o kahit masilayan man lang.


Credit: Andrea B. Youtube

Kaya naman ang tak0t na ito ay nagsilbing katatawanan matapos magsagawa ng isang prank ang aktres na si Andrea Brillantes, para sa kaarawan ng kaniyang pinakamamahal na ina na nagdiwang nito noong Pebrero 8.

Sa video na ibinahagi ni Andrea Brillantes na siyang mapapanood sa kaniyang YouTube channel, ay makikita ang kaniyang ginawang paghahanda para sa planong prank niya na ito sa kaniyang mommy.




Credit: Andrea B. Youtube

At syempre hindi magiging matagumpay ang plano niyang ito kung wala siyang mga naging kasama, kaya naman sa tulong ng kaniyang kapatid na si Kayla, ang kaniyang Lola na si Lola Susan, si Ahl na kanilang driver at si Susan na siyang matagal ng nag-aalaga sa kaniyang mommy ay nakisama din sa plano niyang ito.

Naisipan ni Andrea na gawin ang prank na ito sa kaarawan ng kaniyang ina, dahil hindi niya umano makakasama ito sa mismong araw ng birthday ng kaniyang mommy dahil sa naka-schedule na lock-in taping ng aktres.


Credit: Andrea B. Youtube

Kaya naman bago tuluyan umalis, ay isang exciting at nakakatawang prank ang kaniyang inihanda, at dahil tak0t ang kaniyang mommy sa mga palaka ay tila’y ito ang kaniyang naging munting regalo para dito.

Sa pagsisimula ng kaniyang plano ay hindi muna pinalabas ni Andrea sa kwarto ang kaniyang ina at kasama ang kaniyang mga kasama ay inihanda na nila ang mga nakuhang palaka at inilagay na ito sa isang styro box.

Matapos maihanda ang planong prank ay sinundo na ng aktres ang kaniyang mommy sa kwarto at mula doon ay piniringan na nila ang mga mata nito.


Credit: Andrea B. Youtube

Pagdating sa kanilang sasakyan ay ibinigay na nila ang munting sorpresa sa kaniya at sa pag bukas nito ng styro box, ay makikita naman ang naging reaksyon nito na siyang naging dahilan ng paglayo nito sa kanila.

At dahil sa nakitang reaksyon nila Andrea sa kaniyang ina, ay mas lalo pa nila itong inasar at hinabol ito dala-dala ang palaka.




Credit: Andrea B. Youtube

Dahil sa tak0t ay tila’y naging isang akyat bahay ang dating ng kaniyang ina, matapos balakin na akyatin nito ang pintuan ng kanilang kapitbahay.

Matapos maisagawa ang masayang prank na ito ay hindi naman nakalimutan ni Andrea na batiin ng isang maligayang kaarawan ang kaniyang ina.