Rochelle Pangilinan, ibinahagi ang nakakatuwang bonding moment nila ng kanyang anak na si Shiloh

Ngayon naman ay ating tunghayan ang masayang buhay ng magaling na aktres at dancer na si Rochelle Pangilinan, na ngayon ay happily married na sa kaniyang asawa na isa ring Kapuso aktor na si Arthur Solinap.


Credit: Rochelle Pangilinan on Instagram

Matapos pagtagpuin ang kanilang landas at umabot ng halos pitong taon ang kanilang pag-iibigan, ay sya rin namang napunta sa masayang kasalan.

Ikinasal sina Rochelle at Arthur noong August 8, 2017 sa Tagaytay City, at kalaunan nito ay sila din ay nabiyayaan ng napaka-cute na anak at ito nga ay walang iba kundi si Shiloh Jayne.




Credit: Rochelle Pangilinan on Instagram

Isinilang ni Rochelle si Shiloh noong February 24 taong 2019, at makalipas nga ng halos 2 taon ay atin namang silipin ang masayang mother and daughter bonding moments nilang mag-ina bago ang nalalapit na kaarawan ng kanilang anak.

At dahil ngayon na naging busy sa trabaho si Arthur, si Rochelle ang siyang naiiwan upang magbantay sa kanilang anak kaya naman ang bawat oras na kasama ni Rochelle si Shiloh ay kaniyang sinusulit din habang hindi pa nagiging masyadong busy sa trabaho.


Credit: Rochelle Pangilinan on Instagram

Tila’y isa sa mga paboritong bonding moments nilang mag-ina ay sa tuwing oras na ng kain ni Shiloh, dahil nae-enjoy nila ang ang mga oras na ito lalo na sa kanilang mga matatamis na halik sa isa’t-isa.


“Kapag nasa trabaho ang Daddy ni Shiloh 😜 chance ko na din to hanggat bata pa at pumapayag pang magpakiss!😁😅 @arthursolinap”

Bukod pa dito ay mayroon din namang video na magkakatabi silang tatlo at makikitang si Arthur lamang ang binibigyan ng kiss ni Shiloh, samantalang si Rochelle ay nagpaparinig sa gilid na siya din ay bigyan ng kiss ng kanilang anak.




Tila’y ang munting halik at yakap nito Shiloh, lalo na ang mga oras na sila ay magkakasamang tatlo ang siyang hindi mapapalitan ang sayang hatid na kanilang nararamdaman sa isa’t-isa.