Sheena Halili, masayang ipinagdiwang ang ika-2nd month ng kanyang napakacute na anak na si Martina Candice

Kay bilis nga naman ng panahon at parang kailan lamang nanganak ang aktres na si Sheena Halili at ngayong pebrero 12 ay dalawang buwan na ang kanilang napakacute na anak ni Jeron Manzanero na si Martina Candice.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa Instagram post ni Sheena ay nag-upload sya ng larawan ni baby Martina na may caption na, “2 months of bliss.”




Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa larawan ay nakahiga ang anak nila katabi ang magandang flower arrangements na kung saan ay may bulaklak na nakaayos na nagpapakita ng numero na 2. Kinagiliwan ng mga netizens ang napaka cute na si baby Martina sa kanyang ayos at kasuotan.


Si baby Martina ay ipinanganak noong Disyembre, 12 taong 2020 sa St. Luke’s Medical Center – Global City, Taguig. Siya umano ay kapareho ng kaarawan ng late grandfather ni Sheena kaya napagdesisyunan ni Sheena na isunod ang pangalan ng anak sa namayapa nyang Lolo dahil napaka special para sa kaniya ng araw na iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeron Manzanero (@jemanzanero)


Ang pangalan umano ng Lolo ni Sheena ay Candido Halili ayon sa post ni Jeron noong Disyembre 12 sa kaniyang Instagram Account na may hashtag na How You Met Your Parents. “His name was Candido Halili. He was one of your mommy’s heroes—a great man who is watching over us from heaven. That’s why we decided to name you after him,” saad niya post.

Sa post na iyon ay sinabi rin ni Jeron na hanggang sa pagtanda nila ay nandon parin sila para kay Baby Martina.




Ayon sa kaniya, “Martina Candice, we will love you until we’re wrinkly seniors that are very makukulit! But always remember, that while times may change—I will always be your daddy and you’ll always be my little girl!”

Ang mag-asawang Sheena at Jeron ay ikinasal noong Pebrero 23 ng nakaraang taon ngunit sila ay engaged na simula pa noong taong 2018. Kinumpirma ng couple noon ang pagbubuntis ni Sheena sa kanilang Baby Martina noong Hunyo ng nakaraang taon.