Kasintahan ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, humakot muli ng paghanga dahil sa kanyang galing sa surfing at sa magandang larawan na kanyang ipinost

Muli nanamang pinabilib ng pinoy surfer na si Philmar Alipayo ang kanyang mga followers matapos nitong ipost sa kanyang instagram account ang isang larawan kung saan makikita ito na napakahusay na sinasabayan ang alon ng dagat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Pinakita naman ng mga netizens sa nasabing larawan ang kanilang pagkabilib para sa surfer at samut saring papuri ang ibinigay nila dahil sa galing nito.

Sinabi nila na napakagaling at tila perfection ang nakikita nila sa husay niya.

Sa ganda ng mga nasabing larawan, hindi rin nakaligtaang bigyang papuri ng kanyang mga tagahanga ang napakagandang view at galing ng photographer kumuha ng larawan.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Heto ang ilan sa kumento ng mga netizens:

“Napakagandang skill at talent ito, and as much as we have great surfers, we also have great photographers too.”

“Ang galing ng photographer niya…”


Credit: Philmar Alipayo on Instagram

“Ganda ng pgka kuha. perfect.”

“Let’s appreciate the photographer as well”

Si Philmar Alipayo ay isang kilalang surfer dito sa ating bansa. Mula taong 2014 hanggang 2019 ay ilang beses na itong naka kuha ng mga parangal para sa Mens Qualifying Series sa larangan ng surfing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Mas naging matunog ang pangalan niya ng maging karelasyon nito ang isang kilalang artista na si Andi Eigenmann na anak ni Jaclyn Jose at Mark Gil.

Taong 2018 ng kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon at ngayon ay mayroon ng dalawang anak na pinanagalanan nilang Lilo at Koa.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Ilang beses na pinabilib ng magkasintahan ang mga netizens matapos nilang mapagtagumpayan ang samu’t saring reaksyon tungkol sa kanila noon kung kayat hindi kataka takang isa sila sa mga most loved couple sa showbiz ngayon.

Matatandaang 2017 ng masasabing gumawa ng history si Philmar matapos nitong masungkit ang 19th Siargao National Surfing Cup, ang kauna unahang Philippine Surfing Championship tour.