Super Tekla at Donita Nose, ipinasilip ang nahanap nilang titirhang townhouse sa Quezon City

Sa kanilang pagiging isang solid tandem magmula sa pagpapasaya at pagbibigay kasiyahan sa kanilang mga taga-hanga at supporters, tila`y ito naman ang siyang naging daan para sa dalawang komedyante na sina Super Tekla at Donita Nose upang sila ay mahalin at suportahan ng publiko.


Credit: Donekla in Tandem Youtube

Ang tibay ng kanilang pagkakaibigan ang siyang naging daan upang simulan ang magandang buhay na naghihintay para sa kanila, at bunga ng kanilang pagsusumikap bilang isang YouTube vlogger ay siyang unti-unting pagtupad naman sa kanilang mga pangarap.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na kamakailan lang ng ibalita at ipakita ni Tekla ang bahay na kaniyang nabili na siyang kalapit lang din ng tirahan ni Donita.




Credit: Donekla in Tandem Youtube

At ngayon na sila ay may sarili ng bahay, naisipan nilang dalawa na maghanap ng isang townhouse na siyang pansamantalang tutuluyan nilang dalawa na malapit din sa kanilang trabaho.

Dahil sila ay binansagan bilang Donekla in Tandem, ang townhouse na kanilang nahanap at planong upahan sa Quezon City ay kanilang titirhan dalawa kasama ang kanilang pamilya.


Credit: Donekla in Tandem Youtube

Ang planong ito nila Tekla at Donita na pagsasama sa iisang bahay ay kanilang naisip upang sa bawat videos na kanilang gagawin pa ay mas maging madali para sa kanilang dalawa.

Kaya naman ating silipin ang Townhouse of Tandem ng Donekla na matatagpuan sa Quezon City.

Pagpasok pa lamang sa kanilang magiging bahay ay ipinakita nilang dalawa ang unang palapag nito na siyang makikita ang magiging sala at ang katapat naman nito ay ang kusina na plano din nilang gawin na isang mini bar.

Ipinakita din nila ang dirty kitchen at ang kanilang magiging laundry area.


Credit: Donekla in Tandem Youtube

Kasunod naman nilang ipinasilip ang maid`s quarters na tutuluyan ng kanilang Yaya at magiging driver.

Pagdating naman sa ikalawang palapag ng kanilang townhouse ay dito naman matatagpuan ang sariling kwarto at CR ni Donita at Tekla na siyang magkatapat lang din.

At sa ikatlong palapag naman ay matatagpuan ang siyang magiging kwarto ng anak ni Tekla na si Aira.




Credit: Donekla in Tandem Youtube

Sa bagong tahanan na ito nina Donita at Tekla ay malaki ang kanilang pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kanila mula umpisa hanggang ngayon na sila ay magkasama.

Tila`y ito na ang panibagong yugto para sa Donekla na simulan ang panibagong taon na magkasama bilang magkaibigan at siyang atin ring masasaksihan ang mga future vlogs na kanilang gagawin pang dalawa.