Kulitan ng mag-ama na sina Rodjun Cruz at baby Joaquin, naghatid ng good vibes sa mga netizens

Inabangan nga namang ng marami ang naging love life ni Rodjun Cruz at Dianne Medina. Mula pa man noong sila ay magkasintahan, sinusundan nga naman talaga sila ng mga netizens sa social media.

Hanggang sa sila ay naging engaged na, updated din tayo noong nag propose si Rodjun kay Dianne at ibinigay niya ang kanyang matamis na β€œoo”. Matapos nito, na excite na rin ang lahat sa kanilang kasal.


Credit: @rodjuncruz on Instagram

Ikinasal sila noong December 2019 at kilig na kilig ang lahat sa kanilang dalawa. Nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan nang dumating ang kanilang panganay na anak na si Baby Joaquin Ilustre.

Napakacute nga naman ni Baby Joaquin na manang mana sa kaniyang mga magulang. Ngayon, ay lumalaki na si Joaquin at talagang napakasarap nga namang makipaglaro sa kanya.




Credit: @rodjuncruz on Instagram

Kaya naman, enjoy na enjoy din si Rodjun na nakikipaglaro sa kanyang anak. Sa gitna man ng kanyang busy schedule sa trabaho, ay sinisigurado niya na nakapaglalaan siya ng sapat na oras para makipagbonding sa kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


β€œSarap Kulitin at Lambingin ni @babyjoaquinilustre ! πŸ˜πŸ‘ΆπŸ»πŸŒŠ Love you so much my son!,” pahayag ni Rodjun sa kanyang IG account.

Importante nga naman ang quality time para sa kanyang anak na inilalaan ng isang magulang. Kahit bata o sanggol pa lamang sila, lahat ng oras at atensyon na inilalaan sa kanila ay siguradong nagbubunga.


Credit: @rodjuncruz on Instagram

Kaya naman, ang first time parents na sina Rodjun at Dianne ay sinusulit ang bawat oras kasama ang anak. Sabi nga nila, kahit pagod man ay minsan lang magiging bata si baby Joaquin kaya naman mas maigi kung sulitin na ang lahat ng oras at pagkakataon na makalaro at makabonding ang anak.




Credit: @rodjuncruz on Instagram

Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa nag-uumapaw na good vibes na hatid ni baby sa mga videos nito.