Super Tekla, masayang ibinahagi ang naging binyag ng kanyang anak na si Angelo na ginanap bago matapos ang 2020

Nabinyagan na ang bunsong anak ni Super Tekla na si baby Angelo. Present nga sa binyag ang tumayong ninang ni baby Angelo na sina Boobay, Donita Nose at Janelle Tee.

Masayang masaya naman si Super Tekla dahil kahit na may pandemic ay napabinyagan na ang kanyang anak.



Credit: Donekla in Tandem Youtube

Sabi pa ni Tekla, “Stay at home man ay masaya pa rin siya dahil kasama nya si baby Angelo at isa pa nyang anak na si Aira na nagdiwang ng Pasko.

Sa vlog nga ng Donekla in Tandem ipinakita ni Donita Nose ang magandang reception sa binyag na ginanap sa La Reve Pool and Events Venue, na napuno ng kulay white and blue na mga lobo.

Credit: Donekla in Tandem Youtube

Pinakita rin sa video ang iba’t-ibang putahe ng mga pagkain na talagang katakam takam. Sinabi rin ni Donita na ang mga pagkain ay bongga at ligtas dahil naka cover naman talaga at nakasuot naman silang lahat ng face mask.

Natawa pa nga si Donita Nose ng ipakita rin niya ang kanilang pagkain na lechon na naka face mask rin.

Credit: Donekla in Tandem Youtube

Laking pasalamat naman ni Tekla sa mga dumalo na ninang at ninong gayon din sa mga hindi nakadalo dahil sa pandemic at may kanya kanya rin na obligasyon.

At ang importante naman daw ay ang mairaos ang binyagan ni baby Angelo. Ayon pa kay Super Tekla eto raw ang number 1 requirement na maging isang kristiyano ang bata.

At matapos nga ang opening prayer ay nagsimula na kumain ang mga dumalo sa binyag ni baby Angelo.



Credit: Donekla in Tandem Youtube

Sa video mapapanood rin kung saan tinanong ni Donita ang isa sa mga ninang ni baby Angelo na si Janelle Tee kung ano ba ang wish nito para sa bata.

Sinabi ni Janelle na gusto niya lumaki ang bata na maging masigla, gwapo at ready naman daw ito maging ina para kay baby Angelo dahil mahal niya ang inaanak.