Coleen Garcia, di napigilan na matawa sa asawa nyang si Billy Crawford na biglang nakatulog habang nanunuod ng K-Drama

Sa araw-araw, napakarami nga naman ng mga bagay na dapat nating gawin. Mula sa trabaho, pag-aaral o pag-aasikaso sa pamilya maging mga gawaing bahay na hindi matapos-tapos.

Bawat isa sa atin ay may mga responsibilidad na dapat pagtuunan ng pansin at ibuhos ang ating lakas at isipan sa pagtatrabaho. Pero, siyempre bilang isang tao ay mayroon din tayong limitasyon.



Credit: @billycrawford on Instagram

May mga oras na susuk0 na ang ating katawan dahil sa kapaguran sa gitna ng napakaming mga bagay na ating ginagawa. O kaya nama’y kailangan din natin ng pahinga, sapat na tulog at oras para makakuha ulit ng sapat na lakas.

Gaya na lamang ng TV5 variety show Lunch Out Loud host na si Billy Crawford na makikita sa IG post ni Coleen. Nagba-bonding kasi sila ni Coleen habang nanunood ng K-drama.

Credit: @coleen on Instagram

Pero, sa gitna ng panonood ay tila may napansin si Coleen na talagang napakabigat ng mga mata niya. Makikita kasi sa post na tila antok na antok si Billy. Malamang ay galing siya sa trabaho kaya talagang pagod na pagod siya na makikita sa video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Makikita kasi sa video na napapikit talaga si Billy habang nanonood. Makikita mo din kung gaano pinipigilan ni Billy ang antok at sinusubukang labanan ito para makapanood.

Vinideo naman ito ni Coleen at nang makita ni Billy na kinukuhanan siya nito ng video ay natawa na lamang ito sa kanyang asawa. Nagtawanan na lamang silang dalawa sa sobrang pagod ni Billy.

Credit: @coleen on Instagram

Nakakabilib nga naman si Billy na sa kabila ng kanyang kapaguran sa trabaho ay nakukuha pa rin niyang maglaan ng oras para mag bonding sila ng kanyang asawa.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Makikita din naman sa IG ni Billy na kahit marami man ang kanyang trabaho ay sobra sobra din ang nilalaan nyang oras para maalagaan at mabantayan si Baby Amari.