Pauleen Luna, ipinasilip ang kanilang masayang bakasyon kasama si Bossing Vic at anak nilang si Tali

Matapos ang ilang buwang pananatili sa loob ng tahanan, muli namang sinulit ng aktres at TV host na si Pauleen Luna ang pagkakataong ito upang mamasyal at makasama ang kaniyang pamilya sa kanilang pamamasyal.

Tinungo nina Pauleen kasama ang kaniyang asawa na isa ring aktor at TV host na si Vic Sotto kasama ang kanilang napaka cute na anak na si Baby Tali, at pinuntahan ang The Fun Farm na matatagpuan sa Sta. Elena, Santa Rosa sa Laguna.

Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa kanilang pagbisita doon ay hindi maitago ni Pauleen ang labis na kasiyahan ng sa wakas ay nakalabas din sila kasama ang kaniyang pamilya, matapos ang ilang buwan na pananatili sa loob ng bahay dahil na rin sa pag-iingat mula sa v!rus na lumalaganap ngayon.

โ€œI’m glad we were able to go out today ๐Ÿค So nice to get fresh air and enjoy nature for a change.”



Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa kanilang pamamasyal na ito ay sinigurado pa din nila ang kanilang kaligtasan at nagsuot pa din ng mga face mask patungo sa Farm, na ayon pa kay Pauleen ay ligtas naman umano ang pagpunta nila dahil sila lang ang taong nandoon ng sila ay bumisita.


“We visited @staelenagolfandcountryestate Fun Farm. There was no one there so it was safe to take the little one’s mask off.”

Hindi man naging matagal ang kanilang pagbisita ay masaya pa din ang aktres at pinasalamatan ang Panginoon sa oportunidad na binigay sa kanila upang panandaliang makalabas at makapag bonding buong pamilya.

Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“We needed this change of scenery, even if it was just a short time. Thank you Lord for this opportunity ๐Ÿ™๐Ÿผ๐Ÿคโ€

Matapos ang kanilang masayang pamamasyal sa Laguna, sila’y nag-enjoy naman kasama ang kanilang pamilya sa beach.


Narito naman ang naging komento ng ilan sa mga netizens na talagang cute na cute sa anak nina Pauleen at Bossing Vic na si Tali:

โ€œTali is sooo cute and adorable!๐Ÿ˜โ€

โ€œTali super duper cuteeeeeeeee๐Ÿ’ž๐Ÿ’ž๐Ÿ’žโ€



Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

โ€œGanda ng hAir ni tali ๐Ÿ˜โ€

โ€œThat st0len photo of Tali๐Ÿค—๐Ÿค—.โ€

โ€œWhy so cute taliiiiiii ๐Ÿ˜๐Ÿ’–โ€