Pokwang, tinuruan ang kanyang anak na si Malia kung paano maglaro ng larong pinoy na tumbang preso

Isa sa mga tatak ng ating pagka Pinoy ay ang mga laro na ating nakalakihan sa araw-araw. Nasanay ang halos sa atin na nasa labas ng bahay o kaya naman sa lansangan na naglalaro ng mga larong Pinoy kasama ang mga kaibigan at kalaro.

Ilan sa mga larong pinoy na ating nakalakihan ay ang tumbang preso, luksong baka, luksong tinik, chinese garter, tagu-taguan o langit lupa at marami pang iba.



Credit: @itspokwang27 on Instagram

Talaga namang sa mga larong ito ay nag eenjoy tayo sa mga kalaro natin. Bukod sa saya, natututo din tayong makisama sa ating mga kalaro at masasabi mo nga namang lalakas pa ang iyong katawan sa mga physical activities na ito.

Kaya naman, ang mommy na si Pokwang ay tinuturo sa kanyang anak na si Malia O’brian ang iba’t ibang mga larong Pinoy na kanya din namang nakalakihan.

Credit: @itspokwang27 on Instagram

Isa sa mga tinuro niya ay ang tumbang preso. Ang larong ito ay ang paglalaro ng lata at tsinelas. Kailangang mapatumba ang lata gamit ang tsinelas.

Sa video, ay mapapanood si Malia na kung saan siya mismo ang naglalaro ng tumbang preso habang tinuturuan siya. Nakasubok siya ng halos tatlong beses at sa ikatlong pagkakataon ay nasakto na ni Malia na matamaan ang lata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Kaya naman, pagbibiro ni Pokwang ay tumbang preso daw ang kanyang nilalaro hindi golf dahil natamaan niya lang ang lata noong malapit na siya dito.

“hoy tisay @malia_obrian tumbang preso ang laro hindi golf!!! Hahahhahahahaaa kaloka ka!!!,” saad ni Pokwang sa kanyang IG.



Credit: @itspokwang27 on Instagram

Tuwang tuwa naman si Pokwang dahil habang maliit pa si Malia ay natututo na siya sa mga laro gaya nitong tumbang preso. Makikita naman si Malia sa video na mismong siya ay enjoy na enjoy din sa paglalaro nito.

Siguradong mas maeenjoy pa ni Malia ito kapag marami na siyang mga kasama at kalaro.