Patrick Garcia, kanyang asawa at mga anak, di naitago ang sayang naramdaman nang malaman na madadagdagan na sila ng isa pang miyembro sa pamilya

Tila`y maganda naman ang pasok ng bagong taon na ito at maituturing na malaking blessing para sa aktor na si Patrick Garcia at asawa nito na si Nikka Martinez, matapos ang masayang pag-anunsyo ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang ika-apat na anak ngayong taon.

Credit: Garcia Family Youtube

Sa bagong video na siyang mapapanuod sa YouTube channel ni Patrick, ay makikita ang kanilang masayang pag-anunsyo sa publiko, pati na rin ang ilang kaganapan sa bagong journey na ito sa kanilang pamilya.

Kwento pa nila mag-asawa, bago pa lamang sila umalis at magbakasyon patungong Boracay, ay alam na nila umano ang pagbubuntis ni Nikka.



Credit: Patrick Garcia on Instagram

Excited man at hindi maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman, minabuti muna nilang dalawa na siguraduhin ang pagdating ng kanilang anak.

At matapos makita ang positibong resulta ng pregnancy test at ang pagpunta nina Patrick at Nikka sa doctor ay walang duda na “It`s positive”, at madadagdagan na naman ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang munting anghel.

Credit: Garcia Family Youtube

Matapos malaman ang resulta ay hindi naman mapigilan ni Nikka ang kaniyang kasiyahan at excitement na sabihin ang magandang balita sa kaniyang ina.

Kaya naman ng marinig ang magandang balita agad naman nilang ipinaalam sa kanilang mga anak na sina Michelle, Patrice at Pia na sila ay magiging soon-to-be mga Ate na.

Credit: Patrick Garcia on Instagram

Ayon kay Nikka, matagal na umanong ipinagdadasal ng kanilang mga anak na magkaroon sila ng panibagong kapatid, kaya naman nang i-anunsyo nilang mag-asawa ang balita ay hindi maikubli ang labis na kasiyahan na naramdaman.

At sa huli ay hindi naman maaaring makalimutan ang ina ni Patrick upang malaman ang magandang balita na ito, kaya naman ipinaalam din nila ang pagbubuntis ni Nikka sa kanilang 4th baby.

Ngayon na nagdadalang tao ulit si Nikka, aminado ito na challenging ang kaniyang pagbubuntis ngayon dahil sa mga morning sickness na nararanasan ngayon sa kaniyang pagbubuntis.



Credit: Garcia Family Youtube

Wala pa man ay excited na si Patrick at Nikka sa pagdating ng kanilang munting anghel at isa sa kanilang dasal ay maging healthy ang kanilang anak sa paglabas nito.

Ikinasal sina Patrick at Nikka noong Marso 21, taong 2015 sa Blue Leaf Pavilion sa Macapagal Avenue, Pasay City.