Walk-in closet ni Vice Ganda, hinangaan ng marami dahil sa sobrang lawak nito at dami ng mga magaganda at mamahaling kagamitan

Bilib na bilib nga naman tayong lahat sa naipatayong bahay ni Vice Ganda. Ilang taon din niyang pinagipunan at naipatayo ang bahay na ito. Ito nga naman ang bunga ng kanyang pagsisikap, sipag at tiyaga.

Credit: Vice Ganda Youtube

Hindi madali ang napagdaanan ni Vice. Nagsimula lamang ito sa isang pangarap na akala niya ay di matutupad hanggang sa kalaunan ay unti unti na niya itong naaabot at ngayon ay naipatayo na nga niya ang kanyang dream house.

Nauna ng naipakita sa atin ni Vice ang kanyang bahay at ipinasilip niya ang iba’t ibang bahagi nito. Sa latest vlog na inupload ni Vice sa Youtube ay ang Part 1 na kung saan may gamit na ang bahay.



Credit: Vice Ganda Youtube

Kasama pa rin ni Vice ang kanyang mga kaibigan gaya ni Negi at sa Part 2 ng video, mapapanood naman ang pagtour sa iba pang bahagi ng bahay lalo na sa ikalawang palapag. Unang inexplore nila Vice ang elevator na talaga namang napakaganda na kakasya ang apat na katao.

Pag-akyat, ipinakita ni Vice ang storage room na inakala ng kanyang mga kasamahan sa Master’s Bedroom.

Nang ipakita naman ang Master’s Bedroom, ay talagang ma eenjoy mo ang napakagandang kwarto at viewing room ni Vice. Akala mo ay nasa sinehan ka sa ganda nito.

Credit: Vice Ganda Youtube

Mabibilib ka din sa kama ni Vice dahil adjustable ang kamang ito base sa posisyon ng pagtulog na gusto mo.

At sakto naman na ang veranda ay nasa kwarto na bubungad sa iyo ang buong view ng bahay lalo na ang napakagandang swimming pool dito.

Credit: Vice Ganda Youtube

Naipakita din ni Vice ang kanyang walk-in closet na parang isang bahagi na ng department store sa laki at lawak dahil sa dami rin ng kanyang mga kagamitan at kasuotan.

Kahit ang mga kaibigan ni Vice ay talagang namangha dahil sa lawak nito at sa mga naggagandahang mga gamit. Binigyan din ni Vice si Negi ng isang bag na labis namang ikinatuwa ng kaibigan.

Credit: Vice Ganda Youtube

Dito naikwento ni Vice na hindi daw talaga niya sukat akalain na makakabili at makapagpapatayo siya ng ganito kalaki at kagarbong bahay.

Naibahagi din ni Vice ang isa sa mga naging inspirasyon niya na naging kaibigan niya na mayroong mansyon na kanyang nabisita, at sinabihan daw siya nito na kaya din daw niyang magpatayo nito.



Credit: Vice Ganda Youtube

Kaya naman, ngayon malaki ang pasasalamat ni Vice sa Diyos na naabot niya ang lahat ng kanyang mga pangarap.