Anak ni Pokwang na si Malia, tuwang tuwa sa naging kulitan nila ng kanyang daddy bago matulog

Sa bagong post na bidyo ng aktres na si Pokwang sa kanyang IG account ay talaga naman makikita na malapit si Francine Malia O’Brian sa kanyang mommy na si Marietta Subong o Pokwang at sa kanyang daddy na si Lee O’Brian.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Makikita sa bidyo na bago matulog ay talaga naman nagkaka-quality time muna silang pamilya bago sila matulog.

At mapapansin na napaka likot at jolly nitong si Malia pero malambing naman sa kanyang mga magulang.



Credit: @itspokwang27 Instagram

Sa sobrang lambing ng bata na si Malia ay mapapansin din kung gaano sila ka-close ng kanyang ama at sinabihan na “I love you dada” at kitang kita kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Sa sobrang kalikutan ni Malia, pati ang salamin na suot suot ng kanyang ama ay kanyang napagtripan at nais itong isuot. Ipinasubok ito ng kanyang ama kay Malia ng madalian lamang dahil sabi ng kanyang ama ay hindi ito laruan kaya naman hindi na pinilit ito ni Malia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Maririnig sa bidyo na ang mag-ama ay nag eenglishan kung saan ay talaga naman tuwang tuwa at bilib na bilib si pokwang. Sa parte ng bidyo na ito ay pinapatulog na si Malia habang umiinom ng gatas sa bote at kinukwentuhan siya ng kanyang ama.

Narito naman ang caption ni Pokwang sa kanyang post, “ganito sila bago matulog hahahaha ang galing mag english ni papang hahahaha” At narito naman ang mga naging komento ng kanilang mga taga–hanga o taga–suporta.

Credit: @itspokwang27 Instagram

“So nice to see a lovely family bonding. Malia is growing so fast. God bless to all your family mamang. 😇😇😇”

“Bilib ako kay madam pokwang nakk survive everyday Sa Englishan ng mag ama nya hahaha.”



Credit: @itspokwang27 Instagram

“Galing ni malia, we’re amazed, We really love seeing you family bonding. Oo nga si malia should be w/ her dad always para yong accent nya ma adopt nya., we love you three. ❤ ❤ <3”