Heart Evangelista, di pa rin makapaniwala nang makita ang kanyang mukha sa mismong Times Square sa New York

Sa kaniyang ganda sino ang hindi mahuhumaling at mapapahanga, sa taglay niyang mala diwata sa ganda ay tiyak na siya ay matititigan mo talaga.

Ang kaniyang husay sa pag-arte na siyang minahal at sinuportahan ng karamihan, ay ang naging daan naman upang makamit ng aktres na si Heart Evangelista ang ganitong klaseng buhay na tinatamasa nya ngayon.



Credit: @iamhearte on Instagram

Bukod sa pagiging isang mahusay na aktres, siya din naman ay patuloy na hinangaan sa kanyang angking galing pagdating sa pagpipinta.

Tila`y ang kaniyang talento na ito ay siyang naging daan upang mas kilalanin pa si Heart hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

Credit: @iamhearte on Instagram

Kaya naman hindi kataka-taka na ang kaniyang ganda at talento ay makikita na din sa New York’s famous Times Square, na kung saan ay makikita sa isa sa mga digital billboard doon ang mukha ni Heart sa isang advertisement ng isang fashion brand Ia’s Threads by Ia Faraoni.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Isa ang fashion brand na ito sa mga tumatangkilik ng mga Filipino handicraft kaya ang makasama sa ganitong klaseng oportunidad ay siyang naging daan sa aktres na mas makilala pa ng publiko.

Hindi naman maipaliwanag ni Heart ang labis na kasiyahan at tila`y hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala sa nakita.

Credit: @iamhearte on Instagram

“Waking up with my face in Time Square NY is so surreal,”

Dahil sa bagong oportunidad na ito ni Heart ay mas lalong kinilala ang mga likha at gawang kamay ng mga Pilipino pagdating sa ganitong klaseng talento tulad ng aktres.



Credit: @iamhearte on Instagram

“I still can’t believe that my billboard for @iasthreads is displayed in Times Square in New York! I’m so grateful for such an incredible opportunity to highlight a sustainable brand that shows the talented craftsmanship of Filipino artisans. God is truly good!”

Credit: @iamhearte on Instagram

Isa si Heart sa mga kinilala ng Forbes France’s top 10 luxury influencers at taong 2018 siya din ay naging bahagi ng isang fashion magazine ang Harper’s Bazaar’s “Real Crazy Rich Asians”.