MayMay Entrata, ibinahagi ang kanyang mga magagandang larawan habang nasa gitna ng disyerto sa Dubai

Hindi mawawala sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa mga magaganda at tahimik na lugar, na siyang magandang puntahan lalo na kung ang hanap mo ay mag-relax at masilayan ang ganda ng paligid.

Ilan sa mga celebrities ngayon ay hindi naman nagpahuli sa kanilang getaway, at pinuntahan ang mga lugar na kanilang pangarap o nakaplano ng puntahan mapa lokal man o di kaya ay international.



Credit: MayMay Entrata Instagram

Sa kabila man ng pandemyang nararanasan ngayon sa ilang panig ng bansa, hindi naman ito naging hadlang para sa kanila upang mamasyal at sulitin ang holiday season ng may kaakibat pa rin na pag-iingat.

Isa na nga sa listahan ay ang beautiful young lady na si Maymay Entrata, na mas piniling magbakasyon at sulitin ang new year vibes sa Dubai, kasama ang ilan sa kaniyang mga katrabaho sa industriya.

Credit: MayMay Entrata Instagram

Busy man sa dami ng kaniyang nakapilang trabaho ngayon, hindi naging hadlang ito para sa aktres upang mag-relax at puntahan ang mga lugar na matagal na nyang gustong makita sa Dubai.

Isa na nga sa mga inabangan ni Maymay ay ang naturang fireworks display na naganap sa Burj Khalifa, na siyang labis na nagustuhan ng aktres at tila’y na-inlove sa angking ganda nito.

“Pangarap ko lang makakita ng fireworks ng Burj Khalifa, tapos ang ganda, as in na-in love ako sa fireworks.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Hindi lubos maisip ni Maymay na mapupuntahan nya at masisilayan ang ganitong klaseng kagandang tanawin na matatagpuan sa Dubai.

“Sobrang saya, hanggang ngayon di ako makapaniwala na nangyari ‘yon,”

Bukod sa paglibot sa Dubai, hindi rin naman siya nagpahuli sa pagiging photogenic at makikita ang kaniyang mga naggagandahang pose na siyang kinuhaan mismo sa famous sand dunes sa Dubai.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Suot-suot ang isang black slit dress ay hindi maitatanggi na hindi lamang sa magandang view ikaw mai-inlove kundi pati na rin sa gandang natural ni Maymay sa kaniyang naturang larawan.

Tila’y ang bakasyon na ito ay labis na in-enjoy ni Maymay at masayang binalikan ang magandang lugar na ito na matatagpuan sa Dubai.