Kathryn Bernardo, ipinakita ang kanyang paboritong koleksyon ng mga magaganda at mamahaling designer bags

Kung ikaw ay naghahanap ng magandang brand ng mga bags na siyang magagamit mo sa tuwing ikaw ay aawra at babagay sa iyong napiling kasuotan, ang bagong video na ito ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang siyang perfect para sayo.

Maliban sa mga shoes na hilig ng mga kababaihan, ang aktres na si Kathryn ay mga designer bags ang kaniyang napusuan at ayon sa kaniya ay ito ang isa sa mga magandang investment dahil ito ang kaniyang mas kailangan at nagagamit sa tuwing siya ay may lakad at trabaho.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Sa video ni Kathryn sa kaniyang YouTube channel ay ibinahagi ng aktres sa publiko ang mga bags na kaniyang binili, at ang ilan pa sa mga ito ay may sentimental value sa kaniya dahil ang ilan ay bigay ng kaniyang boyfriend na si Daniel Padilla.

Unang ipinakita ni Kathryn na designer bag ay ang isang red Louis Vuitton Speedy, na siyang kauna-unahang bag na kaniyang nabili sa isa sa mga mall dito sa Manila na siyang binili niya para sa kaniyang sarili.



Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Sumunod naman ay ang Louis Vuitton na cult-favorite Palm Springs na isa sa mga super love ni Kathryn dahil bukod sa ito ay isang mini backpack, ito rin ay kaniyang nagagamit sa tuwing siya ay aalis dahil sa madali lamang itong dalhin.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

At ang isa sa mga pinaka paboritong bag ng aktres ay ang Louis Vuitton Purse na siyang bigay umano ng kaniyang kasintahan na si Daniel noong kaniyang birthday.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Ngunit hindi lang yan dahil isang yellow Louis Vuitton Speedy Cube din naman ang ibinigay ni Daniel kay Kathryn noong ito ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Isang mini pastel rainbow-colored bag naman isan rin sa mga mahahalaga para sa aktres dahil binigay umano ito ng ina ni Daniel na si Karla Estrada para kay Kathryn.

Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Ayon sa aktres isa umano sa magandang investment ang pagbili ng mga designer bags, dahil bukod sa ganda nito ay ang magandang kalidad naman ang siyang perfect para sa mahilig din sa mga bags tulad niya.

Isa sa mga payo ni Kath sa pagbili ng mga bags ay mas magandang pumili ng mga neutral colors na siyang babagay umano sa kahit anong suot na iyong naisin.



Credit: Kathryn Bernardo Youtube

Bukod sa mga bags na ito ay ipinakita din ni Kathryn ang Dior Book Tote, Celine Nano Luggage, Dior Lady Dior Purse, Balenciaga Motorcycle City Bag, Loewe Hammock bag, at ang YSL Kate bag.