Rachel Ann Go, masayang ibinahagi ang kanyang baby bump ilang linggo na lang bago ang kanyang nakatakdang panganganak

Sa kabila ng pagdeklara ng United Kingdom na sila ay magkakaroon ng lockdown sa ikatlong beses ngayong linggo, nakagpahinga na at nag eenjoy pa rin ang London-based artist na si Rachel Ann Go kasama ang kanyang asawa na businessman na si Martin Spies sa kanilang bahay.



Credit: @gorachelleann on Instagram

Matapos ipalabas ni Rachelle sa publiko na siya ay magkakaroon na ng kanyang first baby, makikita sa Instagram post nito ang kanyang baby bump noong January 5. Nagbigay din ng advice ang aktres sa mga ibang mommy.


“30 week bump = Lockdown 3.0 Yup!!! UK is on national lockdown again… To all the preggy moms out there – Enjoy this moment at home, prepare for the times ahead, spend quality time with husband, and keep sleeping because when the baby arrives you know what will happen 10 weeks to go for me!!! AAAAAHHHH!!! #BabySpies2021 #FirstTimeMama #pregnancy” ito ang positive na caption ng artist na si Rachelle.

Credit: @gorachelleann on Instagram

Matatandaang nagkakilala ang mag-asawa noong 2017 sa pamamagitan ng isang kaibigan nilang dalawa. Sila ay ikinasal noong 2018 sa isang beach wedding sa Boracay. Sa katunayan, kanilang ipagdiriwang ang kanilang ikatlong anibersaryo ngayong Abril.



Credit: @gorachelleann on Instagram

“Surprise! It’s finally here! No more hiding secrets (and bumps)! We’re so excited to tell you all about our 2020, which was undoubtedly, and quite literally, a rollercoaster of ups and downs! Martin and I are very happy and excited to share this wonderful new chapter of our lives with you all.” Ito ang ilan sa mga sinabi ni Rachelle sa kanya pang nakaraan na vlog na may title na “New Season in the Spies Family”.

Todo ang pasasalamat ni Rachelle sa Panginoon dahil sa bagong blessing na natanggap nila. Labis din ang tuwa niya na siya ay magiging mommy na. Sa ngayon, inihahanda na nila ang nursery para sa kanilng baby.