Anak nina Neri Naig at Chito Miranda na si Miggy, ipinasilip ang kanilang napakalaking Rest House na may malawak na playground at swimming pool

Inupload ng aktres na si Neri Miranda o kilala rin bilang Neri Naig ang pinaka unang vlog ng kanyang anak na si Miggy Miranda. Si Neri ang asawa ng sikat na vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Credit: Neri Miranda Youtube

Makikita sa video ang kanilang napakaganda at napakalawak na Rest house. Unang ipinakita ang kanilang guest house. Dito sa guest house na ito ay may mga kwarto na kung saan dito madalas magsleep over ang kanilang mga bisita.



Credit: Neri Miranda Youtube

Mayroon din silang pavilion na kung saan dito nagaganap ang kanilang mga house parties.

Kasama din sa kanyang house tour ang napakagandang swimming pool na talagang ma eenjoy ng buong pamilya. Ayon kay Miggy, love na love niya ang pag swimming kaya naman itong parte ng bahay na ito ay napaka espesyal sa kanya.

Credit: Neri Miranda Youtube

Kung ikaw ay isang nature lover, maaring magugustuhan mo ang ambiance dito dahil sa mga puno halaman at bulaklak na nakapaligid dito.

Credit: Neri Miranda Youtube

Kaya naman, ito talaga ay isang rest house dahil ikaw ay makakarelax mula sa str3ss sa work, eskwelahan at sa pandemya ring ito.

Kasunod nito ay ipinakita niya ang kanyang pamilya na enjoy sa kanilang bahay habang kumakain.

Napakabait ng kanilang anak na si Miggy na inalok pa nito ang kanyang “Bamba” o ang kanyang lolo ng pagkain.

Credit: Neri Miranda Youtube

Nandito rin ang kanilang tree house na pinagtatambayan ng kanyang mga kalaro. At syempre hindi mawawala ang playground na paborito ng mga bata.

Makikita din dito ang catio ng kanyang mommy. Dito sa catio na ito ang kanilang mga alagang pusa.

Mayroon din silang basketball court na madalas nakakasama niya ang kanyang team mate, ang kanyang daddy na si Chito.



Credit: Neri Miranda Youtube

Sa bandang huli ng video, matapos maglaro ay makikitang nagwawalis ang kanyang mommy at tinulungan niya ito. “I want to help you because I love you” ito ang sambit ng napakabait nilang anak na si Miggy.