Anak ni Sofia Andres na si baby Zoe, agaw pansin sa kanyang mga napakacute at sweet na larawan

Sa kaniyang taglay na cuteness, ika`y mabibighani sa kaniyang mala anghel na mukha, gandang kutis na tila`y alagang papaya at sa kaniyang munting hagikgik na sa iyo`y magpapakilig.

Mula sa kaniyang pagiging inosente, hindi na kataka-taka na pati ang mga netizens ay sabik na siya ay muling masilayan at panggigilan na patuloy inaabangan ang kaniyang mala maamong mukha.

Credit: @iamsofiaandres
instagram

Bilang isa sa mga kidsโ€™ internet sensation ngayon na si Zoe Natalia Miranda, hindi naman nakalampas sa mata ng publiko ang taglay niyang ganda at cuteness na siyang namana niya sa kaniyang ina na isa sa mga Kapamilya aktres na si Sofia Andres at sa kaniyang gwapong Daddy na si Daniel Miranda.



Credit: @iamsofiaandres
instagram

Tulad ni Sofia na marami ding mga supporters, hindi naman nagpahuli ang kaniyang anak na si Zoe na sa murang edad pa lamang nito ay marami na din ang humanga at sumusuporta sa kaniya.

Isa na nga sa mga pinaka inaabangan ng publiko ay ang mga pictures at videos ni Baby Zoe, na makikita ang kakaibang cuteness nito na tila`y mapapatitig ka sa unang tingin at panggigilan ang kaniyang mala soft-chubby cheeks.

Credit: @iamsofiaandres
instagram

Una na nga sa mga cute pictures na ito ni Baby Zoe, ay ang kaniyang naging larawan na kung saan ay makikitang nakasuot ito ng blue spaghetti strap, at kapansin-pansin naman ang naging facial expression nito na nakanguso.

โ€œI swear I thought I was smiling here! ๐Ÿ™ˆ๐Ÿ‘ปโ€

Credit: @
iamzoemiranda instagram



At kung outdoor look naman ang pag-uusapan, hindi naman nagpahuli si Baby Zoe at nagsuot rin ng isang blue Gucci shirt habang may suot-suot na puting sombrero.

โ€œLong time no see ๐Ÿ˜‹โ€

Credit: @
iamzoemiranda instagram

Kung nais mo naman masilayan ang maamong mukha ni Baby Zoe, makikita din naman ang mahimbing na pagkakatulog nito, habang may pink na stuff toy naman na nakalagay malapit sa kaniyang ulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Ngayon na natapos na ang pagdiriwang ng unang kaarawan ni Baby Zoe, marami pa din sa mga netizen ang nais na siya`y masilayan at muling panggigilan ang kaniyang mala cute-angelic face.

Si Zoe Natalia ay isinilang ni Sofia noong November 24 taong 2019.