Jak Roberto, ipinagluto ng masarap na pagkain ang tatay ni Barbie Forteza habang masayang nag-usap tungkol sa mga praktikal na regalo lalo na sa darating na kapaskuhan

Konting panahon na lang at aapak na ang buwan ng Disyembre. Ito ang panahon na kung saan nalalapit na talaga ang araw ng Pasko.

Credit: Jak Roberto Youtube

Kapag nga naman sinabing Pasko, isa sa mga lagi nating naiisip ay ang panahon ng pagbibigayan. Ito rin ang panahon na kung saan ang bawat isa ay nagbibigayan nga mga regalo. Gaya na lamang ng magpapamilya, magkakaibigan, o magbabarkada.



Nasa panahon man ng pandemya, wala namang makakapigil sa tunay na diwa ng Pasko. Ang tunay na diwa ng pag-iibigan at pagbibigayan na naipapakita sa panahong ito.

Credit: Jak Roberto Youtube

Kaya naman, sa vlog ng aktor na si Jak Roberto ay nagbigay siya ng mga tips para sa nalalapit na Pasko. Dahil marami ang nagbibigayan sa Pasko, ilan sa mga tips na binigay ni Jak na hindi naman kailangang mamahalin o laging materyal na bagay ang maibibigay natin sa araw ng Pasko.

Una, ay ang pagbili sa pamamagitan ng Online Shopping. Bukod sa ito ang mas maigi ngayong panahon ng pandemya, marami din kasing mga mura at mga discounts na pwedeng makuha dito. Maraming mga murang damit, o mga gamit sa bahay na pwedeng iregalo.

Bukod dito, ay ang mga “Do it yourself” na pwedeng gawin. Kung ikaw ay may talento sa musika, o sa mga paggawa ng posters ay pwede mo silang kantahan o gawan nito at ibigay sa kanila.

Credit: Jak Roberto Youtube

Panghuli ay ang ipagluto sila. Todo effort nga naman ang pagluluto lalo na kung masarap ito at specialty pa ninyo. Kaya naman, pwedeng pwede kang magpadala at magbigay ng hindi gumagastos ng malaki.

Ayon kay Jak, hindi naman tungkol sa materyal kundi ang effort natin sa ating mga binibigay.

Credit: Jak Roberto Youtube

Sa vlog ay mapapanood din na nagluto si Jak ng kanyang specialty na Kare-kare at pinagsaluhan nila ito ng ama ni Barbie na si Daddy Tony.



Credit: Jak Roberto Youtube

Nagkuwentuhan din sila at nagbiro pa si Daddy Tony na tinataguan niya lang noon ang kanyang mga inaanak. Sa kabila nito, nag enjoy naman sila sa niluto ni Jak.