Ina Raymundo, ipinasilip ang kanyang napakalaking bahay na puno ng napakaraming halaman at magandang Christmas tree

Karamihan sa mga celebrities ngayon ay nakabalik na sa kanilang mga trabaho at patuloy tinatapos ang mga naiwang proyekto na siyang nalalapit ng mapanood sa telebisyon.

At ang ilan sa kanila ay napili namang mamalagi sa loob ng tahanan upang maging punong abala at magsilbing mga “Plantito at Plantita” ng kanilang indoor at outdoor plants.



Credit: Ina Raymundo Instagram

Ang pag-aalaga ng halaman ay hindi madali lalo na sa panahon ngayon na paiba-iba ang timpla ng klima, kaya naman kaakibat nito ang matinding pag-aalaga at pagmamahal upang ito ay lumago ng mabuti.

At dahil sa kaniyang pansamantalang pananatili ngayon sa loob ng bahay, naging daan naman ito para sa aktres na si Ina Raymundo na simulan ang pag-aalaga ng mga halaman.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Kaya naman sino ang mag-aakala na sa kabila ng pagiging isang mahusay na aktres, ay binansagan na rin siyang isa sa mga ganap na plantita ngayon, matapos ibahagi nito sa publiko ang kaniyang mini jungle na makikita sa loob ng kaniyang tahanan.

Credit: Ina Raymundo Instagram

“All it takes is one bloom of hope to make a spiritual garden. ~Terri Guillemets 🌿🌿🌿 #indoorplants #indoorjungle #plantIna #hope #indoorgarden”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)


Mula sa mga larawan at video na ibinahagi ni Ina, ay tila`y nagmistulang indoor garden ang kaniyang bahay dahil sa dami ng mga halaman na iyong makikita mula dito.

Ayon pa sa aktres, isa umano sa kaniyang mga sikreto upang panatilihing malusog ang at malago ang kaniyang mga halaman ay dahil sa pamamagitan ng paggamit niya ng ‘Oil Moisture Meter’, na siyang tumutulong sa kaniya upang matukoy kung kinakailangan na bang diligan ang kaniyang mga halaman.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Sa pagdidilig ng mga ito, ay sinisigurado din ni Ina na saktong sa araw ang kaniyang pagdidilig dahil karamihan sa mga ito ay tila`y mga boss, dahil may sariling schedule ang pagdidilig sa mga ito.

Sa mga ipinakitang Indoor plants ni Ina, nagsilbi naman itong inspirasyon sa ilang netizen at binalak na ring simulan ang pag-aalaga ng mga halaman.



Credit: Ina Raymundo Instagram

“This is awe-inspiring! Thank you for sharing your modern green paradise Ms. Ina. 😍😍😍”

“I love all your plants looks so green and healthy. I felt the happy effect while watching the video. 😊 Thank u for sharing!”

“Nakakahappy and good vibes watching this video pati mga plants nahahappy sa music.”