Mariel Padilla, ibinahagi kung gaano kagaling ang asawa nyang si Robin bilang artista at kung gaano talaga ito naging matulungin sa kapwa

Bago ipagdiwang ang kaarawan ng aktor na si Robin Padilla, isa namang chill at masarap na kainan ang iyong masasaksihan sa panibagong vlog ng aktres at TV host na si Mariel Rodriquez-Padilla.

Matatandaan na isa sa mga naging video ni Mariel ay isang mukbang video, na kung saan ay habang ini-enjoy ang masasarap na pagkain sa kanyang harapan, ay kaniya din naman sinagot ang mga di magagandang comments ng ilang netizen patungkol sa kaniya.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Kaya naman sa pagkakataong ito, tigil muna tayo sa mga di magandang comments at tayo naman ay magtungo sa mga naging pelikula noon ni Robin na talaga namang tinangkilik at pumatok sa masa.

Mula sa video ni Mariel ay gumawa ulit sya ng isang mukbang video, ngunit sa pagkakataong ito ay binigyang reaksyon naman niya ang mga compiled scenes ng mga pelikulang pinagbidahan ni Robin, at ang compiled videos na ito ay hindi alam ni Mariel, dahil tanging ang kaniyang team lamang ang nakakaalam ng mga ito.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Bago simulan ang pagre-react ni Mariel, kaniya munang tinikman ang mga inihandang kimchi, steak at ibang niluto niyang pagkain.

Sa pagsisimula ng panonood ni Mariel, hindi naman niya napigilan ang matawa, ng mapanuod niya ang naging eksena ni Robin sa pelikulang ‘Tunay na tunay gets mo?’ na kung saan ay nakasama niya dito bilang kaniyang leading lady na si Jolina Magdangal.

Credit: Mariel Padilla Youtube

At ang sumunod naman na eksenang napanood ni Mariel ay pelikulang ‘Anak ni Baby Ama’ na kung saan ay nakasama naman ni Robin ang aktres at TV host na si Amy Perez o mas kilala bilang si “Tyang Amy”.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Kwento umano ni Amy kay Mariel, si Robin ay tunay nga talagang mapagbigay at matulungin sa kaniyang kapwa, dahil sa tagal ng nakasama niya si Robin sa mga pelikula ay kaniyang nasaksihan ang pamamahagi nito ng pera sa kaniyang mga tauhan.

Bukod pa dito, ibinahagi din ni Mariel ang pagiging generous ni Robin ng siya ay maimbitahan sa isang Kawasaki event kasama ang komedyante na si Bayani Agbayani, at ang 600,000 na balak umanong ibigay sa aktor ay hindi nito tinanggap, bagkus ay ninais nitong ipamahagi na lamang ang pera sa mga tao bilang kanilang bonus.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Matapos ang naging reaksyon ni Mariel sa mga ginawang pelikula ng kaniyang asawa, isa namang taos pusong mensahe ang kaniyang ipinaabot kay Robin na ipinagdiwang ang kaarawan nito noong November 23.



Credit: Mariel Padilla Youtube

“He is dedicated, he is loyal, he is the most passionate person I know and ako sa akin I’m really blessed na siya yung asawa ko. Kasi talagang hindi ako nangangamba, panatag ako.”