Ang paboritong snack ng anak ni Pokwang na si Malia, gawa sa gulay na ginawang chips

Hindi makukumpleto ang iyong childhood memories kung hindi mo naranasan ang pagiging strict ni Nanay at Tatay sa pagkain mo ng nakahaing ulam lalo na sa pagkain ng gulay.

Ayon nga sa nausong kanta noon, “Makulay ang buhay, sa sinabawang gulay”.



Credit: @itspokwang27 instagram

Kadalasan sa mga kabataan ngayon ay hindi palakain ng mga masusutansyang gulay, at mas nanaising kumain na lamang ng mga chips na siyang nabibili sa mga tindahan.

Ngunit sino ang mag-aakala na ang gulay na kanilang kinaayawan ay maaari palang maging snack na iyong kagigiliwan.

Credit: @itspokwang27 instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang bunsong anak ng aktres at komedyanteng si Pokwang, na si Malia O`Brian ay isa sa mga batang nahilig sa pagkain ng mga masu-sustansyang gulay.

Sa murang edad ni Malia ay tinuruan na siya ng kaniyang Mommy Pokwang na kumain ng mga masusustansiyang pagkain, tulad na lamang ng mga gulay at prutas.

Credit: @itspokwang27 instagram

Mula sa mga pictures at videos ni Malia na kumakain ng luto ni Pokwang, ay tiyak na mapapabilib ka at mae-engganyo rin na kumain ng mga ito.

Sa panibagong post ni Pokwang sa kaniyang Instagram, ay makikita ang tila`y pagkain ni Malia ng assorted chips, ngunit hindi lamang ito basta chips kundi ito ay masusustansyang veggie chips.



Credit: @itspokwang27 instagram

Ayon sa caption ng aktres, ito raw ay isa sa mga paboritong gulay ni Malia, tulad ng okra, sitaw, kalabasa at kamote.

“Ang chips na paborito ni tisay @malia_obrian ay veggie chips!!!

Okra, string beans, squash, sweet potato, Oh dibaaaa???? keri nyo? Hahahahahahaa”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Sa naturang video ni Malia ay makikitang kasama niya rin dito ang kaniyang Daddy Lee sa pagpapakain sa kaniya ng veggie chips.

Dahil dito marami naming netizen ang na-inspire at humanga kay Malia dahil sa murang edad pa lamang ay hilig na nito ang pagkain ng gulay.

“Malia is looks so healthy. Good job for eating veggies.”

“Galing galing naman nyan💕”

Credit: @itspokwang27 instagram

“Wow! Omg Very She eats vegetables 😍🙌”

“Ang galeng naman ni tisay kumain ng veggy!”

“That’s good Malia. Sana yung apo ko kumain din ng veggie chips”



Credit: @itspokwang27 instagram

Isinilang ni Pokwang si Malia noong January 18 taong 2018.

Bukod kay Malia, ay ang panganay din niyang anak na si Ria Mae Subong.