Super Tekla, naging totoo sa paglabas ng kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa kanila ng kanyang live-in partner na si Michelle

Naglabas ng vlog si Ogie Diaz, isang komedyante at aktor, kasama ang komedyanteng si Tekla tungkol sa kumalat at kontrobersyal na isyu sa kanya. Ito ay tungkol kay Tekla at sa live-in partner na ito na si Michelle.



Credit: Ogie Diaz Youtube

Sa video na ito, nailabas ni Tekla ang kanyang saloobin at ang mga sagot sa maraming mga katanungan tungkol sa nagyaring isyu. Inumpisahan ito ni Ogie sa pagtatanong kung ano ang naging reaksyon ni Tekla bago pa man lumawak ang isyu na ito.

Ayon kay Tekla, sa 6 taon a pagsasama nila ay nasanay na ito sa sinasabi niya na ilalabas niya sa social media at maghahain ng reklam0 bilang panak0t kay Tekla. Kaya naman, para kay Tekla, hindi ito sumagi sa isip nito na totohanin niya ang kanyang mga sinabi dahil malaki ang tiwala niya kay Michelle.

Credit: Ogie Diaz Youtube

Kaya naman, laking gulat niya nang narinig niya sa kaniyang kaibigan na nasa social media na si Michelle at nirereklam0 si Tekla.

Pinagusapan din ng dalawa kung ano ang nangyari sa video kung bakit nagtaas ng boses si Tekla. Ayon sa komedyante, ito lamang ay nagalit dahil bakit pa kailangan ilabas sa social media ang kanilang di pagkakaintindihan.

Credit: Ogie Diaz Youtube



Nilinaw ng komedyante na sya ay hindi nanak!t magmula ng sila ay nagsama at nasabi pa nito na si Michelle ang nananak!t at ang kaniyang pamilya. Bugb0g at [email protected] ang minsan umano nyang inaabot ngunit ito lahat ay tinitiis niya dahil mahal na mahal ito ni Tekla.

Credit: Ogie Diaz Youtube

Ngunit ang pagmamahal na iyon ay unti unting nawawala dahil na rin sa ginagawa ng kanyang partner.

Hangga’t maari ay tinitiis niya ang lahat ng sak!t upang maipaglaban ang kanilang pagmamahalan.



Credit: Ogie Diaz Youtube

Nasabi rin sa video na handa si Tekla na ayusin ang kanilang relasyon lalo na at may anak sila na dapat alagaan at gabayan. Mayroon pa itong ikalawang part para sa mga tanong pa na dapat masagot ni Tekla.