Pokwang, tinuruan kumain ng okra at iba pang gulay ang anak nyang si Malia

Bukod sa pagiging isang mahusay na aktres at komedyante, kilala din si Pokwang sa kaniyang pagiging hands-on Mommy sa kaniyang bunsong anak na si Malia O`Brian.

At bahagi ng pagiging isang ina, ay ang kagustuhan nito na mapalaki ng maayos at malusog ang kaniyang mga anak.



Credit: @itspokwang27 instagram

Kaya naman sa kaniyang mga kaabang-abang na cooking videos ni Pokwang, makikita na tila`y hindi lamang publiko ang natatakam sa kaniyang mga luto, kundi pati na rin ang kaniyang anak na si Malia.

Credit: @itspokwang27 instagram

Mula sa video na ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account, ay makikita naman ang page-enjoy ni Malia, na tila`y sarap na sarap sa pagkain ng luto ng kaniyang Mommy Pokwang na Okra.

“When Okra is life hahahahaha diba nak @malia_obrian.”

 

View this post on Instagram

 

When Okra is life hahahahaha diba nak @malia_obrian ❤️

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


Dahil “Okra is Life”, marami namang netizen ang natuwa kay Malia dahil sa murang edad pa lamang ay kumakain na ito ng gulay.

“Ang galing naman ni Malia… ang galing din po ninyo Ms. Pokwang magpalaki kain talaga sya ng mga gulay.”



Credit: @itspokwang27 instagram

“Also my son he loves vegetables. Good job malia👍”

“Very good Malia kumakain ka ng gulay.😘”

“👏👏👏galing nman ni baby mhalia kumakain ng gulay”

Credit: @itspokwang27 instagram

“Galing nman ni malia, kumakain ng okra 🇬🇷✅❤️❤️❤️”

Bukod sa pagkain ng gulay, hilig din umano ni Malia ang kumain ng mga prutas tulad na lamang ng saging.

Kaya naman upang gawing mas exciing ang pagkain ni Malia, naisipan ni Pokwang na gumawa ng isang Banana Pancake para sa kaniyang anak.

 

View this post on Instagram

 

Almusal ni tisay @malia_obrian banana pancake at nilagyan ko ng inday beena’s peanut butter perfect….. @vina_morales ❤️👌🏽

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


“Almusal ni tisay @malia_obrian banana pancake at nilagyan ko ng inday beena’s peanut butter perfect.”

Dahil sa hilig ni Pokwang sa pagluluto, makikita naman na tila`y isa na din sa mga hilig gawin ni Malia ang pagluluto, na siyang makikita ang tila`y kunwariang pagluluto nito sa kaniyang laruan.



 

View this post on Instagram

 

ayan ready na karinderya ni aling tisay @malia_obrian hahaahaa join daw ako sa pagluto ❤️😘

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


“ayan ready na karinderya ni aling tisay @malia_obrian hahaahaa join daw ako sa pagluto ❤️😘”

Si Malia ay anak ni Pokwang kaniyang kasintahan na si Lee O`Brian.