Kilalanin ang mga magkakapatid na sina Patrick, Chesca at Pichon Garcia sa isang nakakatuwang challenge kasama ang kanilang ina

Isang masayang siblings bonding ang inyong masisilayan sa YouTube channel ng isa sa mga mahusay na aktor na si Patrick Garcia, mula sa video na kaniyang ibinahagi noong Biyernes, October 15.



Credit: Garcia Family Youtube

Mula sa video na ito ay makikitang nakasama ni Patrick ang kaniyang mga kapatid na sina Pichon Garcia at Chesca Garcia sa isang nakakatawang challenge na “Who`s who; Siblings Edition”.

Sa challenge na ito, ay may mga inihandang katanungan ang kanilang mga in-laws sa kanilang ina na si Mommy Bing, at kinakailangan sagutin niya ito sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig sa kung sino sa kanilang tatlong magkakapatid ang tinutukoy sa bawat katanungan na inihanda.

Credit: Garcia Family Youtube

Para lubusang makilala ng publiko ang Garcia Siblings, sinimulan nila ito sa unang katanungan na kung sino sa kanila ang nagkaroon ng pinakamaraming ex-girlfriend/ex-boyfriend noon.

At sa naging kasagutan nga ni Mommy Bing sa katanungan na ito, ay binuhusan nya ng tubig si Pichon.

Credit: Garcia Family Youtube

Para sa ikalawang katanungan kung sino sa kanilang tatlo ang pinakamalakas humilik, walang duda na si Patrick ang nabuhusan ng tubig, na ayon pa nga sa asawa ni Cheska na si Doug Kramer ay nag-sleepwalk pa umano ang aktor.



Credit: Garcia Family Youtube

At nang tanungin naman kung sino sa kanila ang pinakamatigas ang ulo, agad namang binuhusan ni Mommy Bing si Chesca ng tubig, at makikita ang tila`y kagustuhan nito na ipagtanggol ang sarili.

Credit: Garcia Family Youtube

Sa naging katanungan naman patungkol sa kung sino sa kanilang tatlo ang paborito at ang isusuko ni Mommy Bing kung sakali man magkaroon ng kakulangan sa pagkain, umiral ang pagiging ina at pagmamahal nito sa kaniyang mga anak at hindi ito pumili, bagkus ay binuhusan na lamang niya ang kaniyang sarili.

Bukod sa mga ito ay itinanong din kay Mommy Bing kung sino sa tatlo niyang mga anak ang sa tingin niyang unang mag-aasawa noon, at nagpapa-alala sa mga ito sa kaniyang asawa.



Credit: Garcia Family Youtube

Ang ilang mga katanungan ay mapapanood sa YouTube channel ng aktor na ‘Garcia Family’ at matutunghayan din ang susunod na video na kung saan ay mga in-laws naman ang sumubok sa challenge na ito.