Pauleen Luna, masayang ibinahagi ang kanilang nakakatuwang ‘tiktok challenge’ kasama ang asawa na si Bossing Vic Sotto at anak na si Tali

Mula sa mga nauusong challenge ngayon sa Tiktok, hindi lamang mga netizen ang siyang nahumaling kundi pati na rin ang mga celebrities ay nakiuso na rin sa mga challenges na ito.



Credit: @pauleenlunasotto instagram

Isa na nga sa mga sikat na celebrity ngayon ay ang pamilyang Sotto, na kinabilangan ng aktres at TV host na si Pauleen Luna-Sotto at kaniyang asawa na isa ring aktor at TV host na si Vic Sotto.

Mula sa video na binahagi ni Pauleen sa kaniyang Instagram, ito ang kauna-unahang beses na sila`y nagsama sa isang Tiktok video at ginawa ang nauusong challenge ngayon na ‘Boom Boom’ TikTok challenge kasama ang kaniyang asawa.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

“I super love my husband for doing crazy things with me 🤪🤪🤪 Shot this “tiktok” for Eat Bulaga’s opening number today! LOVE YOU @mzet280 🥰✌🏼🤪”


Mapapansin sa video na tila`y sanay na si Pauleen sa ganitong klaseng sayawan, samantalang si Vic naman ay makikitang hirap man sa pagsunod sa dance steps, hindi ito naging hadlang para sabayan ang tugtog at ang trip ng kaniyang asawa.



Credit: @pauleenlunasotto instagram

Bahagi rin ng kaniyang naturang post ay makikita naman na naki-join na rin ang kanilang unica hija, na si Talitha Sotto o mas kilala bilang si Baby Tali.

“PS. My daughter’s fine 🤪 The Show Must Go On ang peg ni gurl! Haha”

Tila`y isang masayang bonding ito para sa kanilang pamilya at nagbigay kasiyahan sa ilang netizens ang kanilang naging cute video na magkakasama.

“So cute Ni Bossing kahit hindi na orient hahaha 🤣 Galing 👏🏻👏🏻”

Credit: @pauleenlunasotto instagram

“Sarap tignan ng pamilya mo Ms .Sotto. Lalo na baby tali super cute.pati po sir Bosing nagenjoy.ingat po plgi💋❤❤❤”

“My favorite fambam!❤❤❤more videos to come like this one.nakaka good vibes.🥰”



Credit: @pauleenlunasotto instagram

“Hahaha. Kaya naman bumabata talaga si bossing gawa ni poleng at lalo na ang cute na cute na si tali. Go, tali!!! Talunin mo sa sayawan si mommy at daddy. Hehehe..”