Rhian Ramos, ipinasilip ang kanyang modern at minimalist condo bago sya lumipat sa kanyang bagong lilipatang bahay

Mapapanood sa youtube channel ni Rhian Ramos ang kanyang house tour vlog kung saan ibinahagi nya sa kanyang mga followers kung ano ang mayroon sa loob ng kanyang condo bago sya lumipat ng matitirhan.

Kahit na pribado syang tao ay pinagbigyan nya ang kahilingan ng kanyang mga followers.



Credit: whianwamos youtube

Sa simula palang ng video ay naging sentimental na si Rhian Ramos, at sinabi nya na ang condo ang kanyang naging tahanan dahil dito na sya nang magsimula ang quarantine.

Credit: whianwamos youtube

Ayon pa kay Rhian, hindi lang daw ito ang tahanan kung saan sya nag pa pahinga, dahil may lugar na rin dito kung saan nya ginagawa ang kanyang trabaho, at dito na rin nag wowork out.

Isa pa kung bakit naging sentimental si Rhian ay dahil namapahal na sya sa kanyang condo, naramdaman nya ang pagiging safe nya dito. At tinawag nya itong “everything”. At talaga nga naman na ma-mimiss nya ang condo.

Credit: whianwamos youtube

Binanggit ni Rhian sa video na bumisita sya sa kanyang magulang sa Alabang at pagbalik nga nya sa condo matapos ang isang linggo ay puno na ng alikabok.

Ngunit sanay ang aktres sa paglilinis, dahil sya mismo ang nagpapalit ng kanyang mga beddings at pinapanatili nyang malinis at maayos ang condo.



Credit: whianwamos youtube

Mahigit isang taon at kalahati na din nakatira si Rhian sa condo simula nang umuwi sya galing New York.

Minimalist modern style ang unit ni Rhian kung saan may malapad na espasyo at may magagandang kagamitan.

Credit: whianwamos youtube

Sa isang bahagi ng kanyang unit ay kasama na ang sala at dining area kung saan mayroong napakalaking couch na paboritong tambayan ni Rhian at dito na rin sya nagpapahinga.

Credit: whianwamos youtube

Mayroon naman simple at hindi gaanong kalakihan na kusina sa loob ng kanyang unit pero sinabi nya na kumpleto at narito ang lahat ng kinakailangan. Marami itong cabinets na mapaglalagyan ng gamit.

Credit: whianwamos youtube



Makikita rin ang pagiging madiskarte ng aktres dahil may mga bahagi ng tirahan na sya mismo ang nag kukumpuni dahil wala nga itong kasambahay.