Dimples Romana, sinurpresa ang kanilang kasambahay ng isang bagong bahay na talagang napaiyak sa tuwa dahil sa natanggap na regalo

Bukod kay nanay at tatay, ang mga kasambahay ang nagsisilbing tagapangalaga ng bahay at tagapagbantay ng mga bata sa tuwing umaalis ang ilaw at haligi ng tahanan.

Credit: Dimples Romana Official

Ganito mailalarawan ang buhay ng isang kasambahay na si Vilma o mas kilala sa tawag na Ate V, matapos maging kasambahay ng mahusay na Kapamilya aktres na si Dimples Romana.

Credit: Dimples Romana Official

At makalipas nga ng labing pitong taon na paninilbihan ni Vilma sa pamilya ng aktres, itinuring na rin ito ni Dimples at ng kaniyang asawa na si Boyet si Ate V, bilang kanilang kapatid at bahagi na ng pamilya.

Kwento pa ni Dimples, malaking parte sa kanilang buhay ang naging paninilbihan ni Vilma sa kanila, dahil ito raw umano ang tumayo bilang isang ina at nakatatanda sa kanilang pamilya.

Credit: Dimples Romana Official

Kaya sa tuwing may napipisil sila na bagong property, agad muna nilang hinihingi ang opinyon ni Vilma upang malaman kung pabor ba ito sa kaniya na bilhin nila.

Maliban sa pagiging isang masipag at mapagkakatiwalaan na kasambahay, pinakilala din ni Dimples si Vilma bilang isang kapamilya na may mabuting puso at sobra kung mag-alaga.

Credit: Dimples Romana Official

Kaya naman sa pagkakataong ito, upang pasalamatan si Vilma sa kaniyang mga ginawang kabutihan sa pamilya ng aktres, naisipan ni Dimples na sorpresahin ito at bilhan ng isang bahay.

Credit: Dimples Romana Official

Mula sa video na in-upload sa kaniyang YouTube channel, makikitang isinama ng aktres si Vilma sa bahay na kaniyang ibinili para dito.

Credit: Dimples Romana Official

Ang buong akala ni Vilma na ang bahay na kanilang pinuntahan ay isa sa mga property na napipisil na bilhin ni Dimples at Boyet.

Ngunit ang hindi niya alam ay isang munting sorpresa pala ang naghihintay para sa kaniya.

Pagdating sa sorpresang bahay ni Dimples, mapapansin na tila`y nagandahan na si Vilma sa disenyo at itsura pa lamang nito.

At sa kanilang pagpunta sa ikalawang palapag ng bahay, hindi naman napigilan ni Vilma na maging emosyonal sa kaniyang nakita, ng mapansin nito ang letter balloon na ang nakalagay ay “Oo para sayo ito”, na sinamahan pa ng kaniyang standee picture.

Credit: Dimples Romana Official

Mula sa munting sorpresa ni Dimples at Boyet sa kaniya, malaki ang naging pasasalamat ni Vilma dahil natupad na ang isa sa kaniyang mga pinapangarap lang noon na magkaroon ng sariling bahay.