Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang napakalaking kwarto na may malawak na walk-in closet at hi-tech na banyo

Mula sa mala mansyong tahanan ng isang unkabogable star at TV host na si Vice Ganda, sino ang hindi mamamangha sa taglay nitong classic at elegant style, magmula sa mga muwebles at mga kagamitan na makikita sa loob ng kaniyang tahanan.



Credit: Vice Ganda Youtube

Unang ibinahagi ni Vice ang itsura ng unang palapag niyang bahay, na kung saan ay ipinakita nya dito ang kanilang clean kitchen, dirty kitchen, spa room, swimming pool, family room at ang ipinalagay din niyang elevator para sa kaniyang ina.

Credit: Vice Ganda Youtube

Pagdating sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay, unang ipinakita ni Vice ang guest room na siyang matutuluyan umano ng kaniyang mga kaibigan.

Credit: Vice Ganda Youtube

Hindi pa man kumpleto sa mga kagamitan, makikita na sa kanilang guest room ang kakaibang vibes nito, na siyang mapapamangha pagdating sa lawak ng kwarto at ang sarili nitong closet na aakalaing ikaw ay nasa master`s bedroom.



Credit: Vice Ganda Youtube

At kalapit naman ng guest room ay ang malawak at napakalaking walk-in closet ni Vice na aakalaing isang closet store, na hindi kataka-taka na isa ito sa paboritong parte ng komedyante sa loob ng kaniyang tahanan.

Credit: Vice Ganda Youtube

Pagdating naman sa personal toilet at bathroom ni Vice, kapansin-pansin rin ang mga materyales at muwebles na siyang kombinasyon ng bato at bakal na kaniyang pinalagay mismo para dito.

Sa unang tingin ay aakalaing simple lamang ang bathtub ni Vice, ngunit kung tatanungin ang presyo nito ay tumataginting lang naman sa P800,000 kasama na ang thermostat shower nito, na maaaring ma-adjust ang temperatura at kulay ng tubig depende sa iyong gusto.

Credit: Vice Ganda Youtube

Sunod naman ipinakita ni Vice ang kaniyang master`s bedroom na siyang makikita din ang pagka high tech ng kaniyang magiging kama at ang maaliwalas na scenery na iyong makikita pagdating naman sa kaniyang veranda.

Credit: Vice Ganda Youtube

Mula sa mala masyon na tahanan ni Vice, kanyang binalikan ang buhay na naranasan nya noon bago makamtan ang ganitong klaseng tagumpay at pagkilala sa kanyang buhay.

“Di naging madali ang karera ng buhay ko. Nagsimula ako sa pinakamababa ngunit may bitbit na pinakamataas na pangarap para maiangat ang pamilya, ang sarili at di naglaon ay pati na rin ang kapwa.

Credit: Vice Ganda Youtube

Nahirapan ako sa simula. Sa gitna. At may mga pagsubok pa rin hanggang ngayon. May mga nagawang maling desisyon. Pero di ako sumuko. Di ako huminto.”

Sa huli ay nag-iwan ng isang magandang mensahe si Vice para sa mga taong katulad niya na nangarap at nagsumikap upang maabot ang pangarap.



Credit: Vice Ganda Youtube

“There are people who will wish for you to fail. But you were born to make it. You are success waiting to happen. Dare to dream big. Work hard to build your dreams.”