Ivana Alawi, nagbigay ng napakagandang surpresa sa kaarawan ng kanyang editor na talagang nakapagpaiyak sa kanya

Nakilala ang aktres na si Ivana Alawi bilang isa sa mga fastest-rising Youtube stars ngayon sa Pilipinas mula sa mga content nito na talaga namang inabangan at nagbigay katatawanan sa karamihan magmula sa mga pranks na kadalasan niyang ginagawa sa kaniyang pamilya.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Bukod pa dito ay kinilala din si Ivana bilang matulungin at mapagmahal sa kaniyang pamilya, kaya naman sa pagkakataong ito naisipan niya gumawa ng isang surprise prank para sa kaniyang editor at videographer na si Jeff na nagdiwang ng kaarawan nito kamakailan lamang.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Upang maisakatuparan ang kaniyang plano na maldita prank at sorpresa para kay Jeff, inimbitahan niya ito sa kanilang tahanan para sa kanilang gagawin na photoshoot mula sa isang sikat na jewelry brand.

Hindi naman mairaraos ni Ivana ang kaniyang plano kung walang kasabwat, kaya naisipan niyang isama ang kaniyang pamilya pati na rin ang make-up at hair stylist nito na si Aryan Buccat.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa pagsisimula ni Ivana ng kaniyang prank, una muna niya ipinakita ang kunwaring pagkawala niya sa mood at ang pagiging malungkot upang masimulan ang kaniyang pagpapanggap na maldita.

At nang mapansin ni Ivana na tila`y walang epekto kay Jeff ang kaniyang naging reaksyon habang sila ay nagpo-photoshoot, naisipan na nitong magpanggap bilang mataray at magkunwaring hindi nya nagustuhan ang mga kuha ng kaniyang editor sa kaniya.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Nang hindi na makayanan ng aktres ang ginawa niyang pagma-maldita kay Jeff, agad itong pumunta sa loob ng kanilang tahanan upang ibigay ang inihanda nilang birthday cake at isiwalat rito na prank lamang ang lahat ng kaniyang ginawa at ipinakita.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Matapos makita ni Jeff si Ivana na may dala-dalang cake, hindi napigilan nito na maging emosyonal at maiyak sa kaniyang nakita.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ang ginawang surprise prank ni Ivana para kay Jeff ay isa umano sa kaniyang paraan, upang i-welcome ang kaniyang editor bilang parte na ng kanilang pamilya at pasalamatan ito sa sipag at magandang pagta-trabaho na ginawa nito para sa kaniya.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa huli ay pinasalamatan ni Jeff si Ivana at ang kaniyang pamilya para sa masaya at emosyonal na sorpresa na kaniyang natanggap mula rito, dahil bukod sa unang beses niyang naranasan ito sa kaniyang buhay, nagkaroon siya ng panibagong pamilya kasama ang Alawi Family.

Pati ang mga netizens ay natouch sa ginawang ito nila Ivana para sa kanyang editor,

“All I can say “pretty inside and out”. Fan girl is here.”



Credit: Ivana Alawi Youtube

“Ivana is such a good person! Her family too! More blessings!”

“I cried when he said ‘ngaun ko lng naranasan toh’ i feel how much he appreciate their efforts😊😊”