Bela Padilla, nagulat sa ganda ng ginawang renovation sa kanyang apartment na natapos lamang sa loob ng 3 araw

Tunay na nakakamangha ang ginawang house fluffing ng Mr. and Ms. B Moss Design House sa apartment ng aktres , film producer, screenwriter, at model na si Bela Padilla.



Credit: Bela Padilla instagram

Makikita sa youtube ang naging pangyayari sa house fluffing na isinagawa ng Mr. And Ms. B Moss Design House.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Ang Mr. And Ms. B Moss Design House company ay may Interior design, event design, exhibit design, premium fabrication, pop up installation at furniture rentals.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Ito ay pinangungunahan nina Mado Beltran at Cyndi Fernandez na nagsimula noong 2008.

Ang house fluffing ay ang pag “revamp” o “redesign “ ng bahay sa loob ng tatlong araw at walang major construction. Talaga nga naman na naka mamangha na sa maikling mga araw ay kanilang matatapos ito.



Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Nag-umpisa ang unang araw nila sa pagbaklas sa dining nito at pati na rin sa bakal na nakakabit sa living room.

Sa ikalawang araw nila makikita ang pintura ng bahay ang kanilng ginawa at nag diskusyunan pa ang dalawa dahil kung ano ang gagamitin at sabi naman ni Cyndi ito ay normal na nangyayari sa kanila. Nailagay na rin ang kanyang wallpapers sa araw na iyon.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Sa ikatlong araw ay dito na nilagay ang mga furnitures at ang magiging design nito sa living room. Makikita din na naglagay si Cyndi ng mga favorite books at paintings ni Bela na nagsilbing design sa kanyang sala.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

At sa mismong araw ay natapos na at ni-reveal kay Bela ang natapos at mala bago nyang bahay. Makikita sa mukha ni Bela na masaya siya sa kung ano ang kinalabasan ng naging renovation sa kanyang apartment.

Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Pagkabukas pa lamang sa pinto at talaga naman na hindi matumbasan ang kanyang tuwa lalo na sa wallpaper pa laang sa tabi ng pinto nay may pineapple dahil ito ang kanyang paboritong prutas.



Credit: Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Hanggang sa kanyang sala na punong puno ng libro na ginawang design ay nagsasabi lang talaga na isang bookworm si Bela o mahilig sa mga aklat. Siya din ay natuwa sa kanyang kwarto na napaka cozy at para kang nasa Hawaii aniya.