‘Family is everything’, Coleen Garcia ibinahagi ang kanilang family pics kasama ang kanilang baby boy na si Amari

Hindi mapapalitan ang labis na kaligayahan ngayon ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia, ang pagiging certified Mommy at Daddy sa pagdating ng kanilang 1st baby na si Baby Amari Garcia Crawford.



Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Matatandaan na noong September 10 ay isinilang ni Coleen ang kanilang healthy at cute Baby Boy, mula sa isang water birth delivery na ginawa mismo sa kanilang tahanan.

At makalipas nga ng isang buwan ay ipinagdiwang nila ang ika-unang buwan ni Baby Amari sa pamamagitan ng kanilang ginawang family photoshoot sa tulong ng @nextbymetrophoto.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Mula sa kanilang naging photoshoot ay makikitang nakasuot ang Team Crawfords ng white shirt at kapansin-pansin ang kanilang naging masayang bonding moments kasama si Baby Amari na tila`y matuturing nga na isang happy family.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Sa kabila man ng pagiging hands-on Daddy kay Baby Amari, tila`y isa din sa kanilang masayang bonding moments bilang mag-ama, ang matagal ng kinakanta ni Billy kay Baby Amari habang ito pa ay pinagbubuntis pa lamang ni Coleen.

“I used to sing this while you were still in mommy’s belly! Always be happy little man.”



 

View this post on Instagram

 

I used to sing this while you were still in mommy’s belly! Always be happy little man.

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on


At sa tuwing kinakanta niya ito kay Baby Amari, makikita din ang panaka-nakang pag ngiti nito habang nakatingin sa kaniyang Daddy Billy.


Sa kanilang masaya at binuong pamilya ngayon, hindi maitago ni Billy ang labis na pasasalamat sa Panginoon, mula sa magandang biyaya na natanggap magmula sa kaniyang loving at supportive wife na si Coleen at ang kanilang munting anghel na si Baby Amari.

“Father God, You are so good to us! 🙏🏼 Thank You.”

Credit: Billy Crawford Instagram

Hindi man perpekto ang bawat pamilya at dumaan man sa maraming problema, lahat ay gagawin ni Billy para sa kaniyang pamilya upang maibigay ang magandang buhay para sa dalawang taong importante at pinakamamahal niya.



Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“In life we go through difficulties, having a blessed family makes all the struggles worth f!ghting for! Everything I will do from here on end is for my son and the strongest woman I know @coleen my beautiful wife! I love you so so much! 😘”