Dianne Medina at Rodjun Cruz, ipinasilip ang kanilang masasayang larawan kasama ang kanilang cute na anak na si baby Joaquin

Mula sa pagiging isang sweet at loving husband and wife, hindi naman maitago ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang kanilang tuwa at excitement para sa kanilang 1st baby na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III.



Credit: @rodjuncruz instagram

Noong September 10, ay matatandaang isinilang ni Dianne ang healthy at poging baby na si Baby Joaquin at mababakas sa kaniang mga ngiti ang labis na kasiyahan ng masilayan ang pagdating ng kanilang anak.

Kaya naman bilang proud at happy parents na ngayon, hindi maitatago ang kanilang excitement sa tuwing masasaksikan ang bawat milestone ni Baby Joaquin habang kasama ang kanilang anak.

Credit: @rodjuncruz instagram

Una na nga rito ang mga larawan at videos na pinost ni Rodjun at Dianne sa kanilang magkahiwalay na Instagram account at makikita mula dito ang mga sweet at happy memories nila kasama si Baby Joaquin.

Credit: @rodjuncruz instagram

Isa na nga sa mga ito ay ang naging video ni Baby Joaquin, na kung saan ay makikita ang paghikab nito na siyang mapapansin din na sinamahan pa ng tila`y sound effect ng isang Lion.

β€œLet them hear your Roar Haha!πŸ‘ΆπŸ»πŸ¦πŸ‘‘ Good morning! Love you my @babyjoaquinilustre !πŸ‘ŠπŸ»πŸ™πŸ»#FutureKing #RodolfoJoaquinDiegoIII #BabyJoaquinILustre #MyLife #Blessed”


Kapansin-pansin din naman ang pagiging hands-on ni Rodjun sa pag-aalaga kay Baby Joaquin, mula sa pagpapatulog dito at pati na rin ang pagpapalit ng diaper.



Credit: @rodjuncruz instagram

Samantalang si Dianne ay makikita din naman ang pagiging hands-on Mommy nito sa kaniyang anak, magmula sa pagbe-br3astfeed at ang pag-aasikaso kay Baby Joaquin.

 

View this post on Instagram

 

mommy and me πŸ’™πŸ’™πŸ’™

A post shared by Rodolfo Joaquin Diego III (@babyjoaquinilustre) on


Mula sa kanilang masayang bonding time kasama si Baby Joaquin, tila’y isang blessing nga ito para kina Rodjun at Dianne ang pagdating ng kanilang anak, na siyang nagsilbing ligaya at kanilang pinagkukunan ng lakas sa bawat araw na lumilipas ngayon sa kanilang buhay.

Credit: @rodjuncruz instagram

“baliwala ang puyat dahil sa tuwing tumitingin ako sa iyo anak, lumalakas ako. Iba yung nabibigay mong Saya at energy samin ng mommy mo! We love you so much! πŸ’˜πŸ™πŸ» #answeredprayer #RodolfoJoaquinDiegoIII #babyJoaquinILustre”



Credit: @rodjuncruz instagram

At sa naging unang buwan ni Baby Joaquin noong October 10, labis ang ipinakitang pagmamahal ng celebrity couple sa kanilang anak at hindi matatawaran ang kakaibang saya na hatid sa kanila ng pagdating ng kanilang munting biyaya.