Child star na si Jana Agoncillo, proud sa kanyang pinapatayong bahay na bunga ng kanyang pagsisikap sa trabaho

Kinilala ang Kapamilya Child star na si Jana Agoncillo, mula sa kaniyang pagiging charming at mala-bibong personality na siyang nagustuhan at patuloy na hinangaan ng publiko dahil sa kanyang kahusayan sa pag-arte.



Credit: @janapatching instagram

Sa murang edad pa lamang nagsimula nang umusbong ang karera ni Jana, matapos mabigyan ng oportunidad na maipamalas ang kaniyang husay sa pag-arte mula sa mga teleserye na kaniyang pinagbidahan tulad na lamang ng “Dream Dad”, “Ningning” at “Starla”.

Credit: @janapatching instagram

Kaya naman sa kabila ng kaniyang mga natamong pagkilala at tagumpay sa showbiz, ang matagal ng pinapangarap na bahay ni Jana para sa kaniyang pamilya ay unti-unti na niyang natutupad.

Credit: @janapatching instagram

Noong nakaraan ay masayang ibinahagi ni Jana sa kanyang socmed post ang bahay na kaniyang ipinapagawa na tila`y isang magandang blessing ngayon para sa kanilang pamilya.



Credit: @janapatching instagram

“Kahit Maliit basta galing sa marangal at pinagsikapan mo just proud & grateful 🤗 Thank you Jesus for making way and aligning everything I love you Jesus may masisilungan na kami🙏 TO GOD BE ALL THE GLORY 🙏”


Hindi man ganoon kalakihan ang bahay na ipinapatayo ni Jana ngayon, masaya pa rin ang child star dahil natupad na ang matagal niyang pinapangarap noon.

Sa kabila nito, hindi naman napigilan ng mga netizen at mga supporters ni Jana ang matuwa sa panibagong blessing na natanggap niya ngayon.

“Congrats Jana! Always be humble, stay as sweet as you are and remain a very loving daughter to your Mom.”



Credit: @janapatching instagram

“Congrats!!!! and Thank you God🙏 fir the blessings”

“Congrats Jana. Well-deserved. 😍”

“Congrats po ❤️”