Empress Schuck, nasurpresa sa biglaang pagpropose sa kanya ng kanyang partner kasabay ng kaarawan ng kanilang anak na si Athalia

Marami ang naghanap noon sa biglang pagkawala ng aktres na si Empress Schuck sa showbiz. Ngayon, makikita na masayang masaya siya sa kanyang binuong pamilya kasama ang kanyang partner na si Vino Guingona at ang kanilang baby princess na si Athalia.



Credit: @itsempressita instagram

Sa latest IG post ni Empress, makikita ang 5th birthday celebration ni Athalia. Sinadya palang sabihin ni Empress kay Athalia na walang birthday party o kahit na anong dekorasyon ang magaganap para mas masorpresa siya.

Credit: @itsempressita instagram

Kaya naman, nagpasalamat si Empress sa mga naging katulong niya sa paggawa ng sorpresang ito lalo na ang @flourishandfrills.

Credit: @itsempressita instagram

Dito ibinahagi ni Empress ang Frozen Party theme ni Athalia dahil gustong gusto niya si Elsa. Kaya, inorder niya ang costume nito sa Shopee at maging ang @calebsinplaytafun ay nandoon para sa kaniyang inflatable slide dahil miss na din ni Athalia ang Kidzoona.



Credit: @itsempressita instagram

“And ofcourse kiddi parties wouldn’t be complete without customized cakes by @hellosugar13! Thank you for making her day wonderful @calebsinplaytafun and @hellosugar13! Everything only for you baby girl!💜,” saad ni Empress.

Credit: @itsempressita instagram

Pero, bandang huli ay mas nasorpresa si Empress. Dahil ito ang oras na ginamit naman ni Vino para mag propose kay Empress.

“And so this day has become even more special.. Its not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention,” dagdag niya.

Credit: @itsempressita instagram

Lubos ang pasasalamat ni Empress kay Vino dahil sa espesyal na araw na ito na kanyang ginawa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

Last Part And so this day has become even more special.. Its not just Athalia’s birthday anymore but also a new celebration of God’s intention. Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. Thank you to my siblings for helping vino arrange this, to my parents’ blessing, to @niceprintphoto kahit nasabihan lang few minutes before☺️ Thank you for being there since my baby shower. You still captured this moment beautifully. A new chapter begins for me.. And I know by walking with God together, we are on the right path.. The goal of our relationship is to honor him and do things what’s right in his eyes and that’s what we’re going to do real soon…❤️ Praise be to God.

A post shared by 𝑬𝒎𝒑𝒓𝒆𝒔𝒔 𝑺𝒄𝒉𝒖𝒄𝒌 (@itsempressita) on


“Thank you @vinoguingona for doing it on her birthday and in this special home witnessed by my whole family. Wouldn’t have it any other way. Thank you to my siblings for helping vino arrange this, to my parents’ blessing, to @niceprintphoto kahit nasabihan lang few minutes before☺️ Thank you for being there since my baby shower. You still captured this moment beautifully,” pahayag pa ni Empress.



Credit: @itsempressita instagram

Kaya naman, lubos na masaya si Empress sa bagong bahagi ng kanilang relasyon na nakasentro ang Panginoon sa kanilang pamilya.